Friday , November 22 2024

Binay Poe sa 2016

00 rex target logoDESPITE the non-stop and well- funded attack on Vice President Jojo Binay at ang ipinagyayabang na tremendous slide ng bise presidente sa survey ratings na ibinabando ng Partido Liberal (LP), nananatili pa rin nasa number 1 top choice ng mga Pinoy si Binay para maging Pangulo ng bansa sa darating na 2016.

Marami na rin posibleng vice presidentiables ang ikinabit sa frontrunner na si Binay like business tycoon Manny V. Pangilinan, NP’s Senator Manny Villar and even Senator Chiz Escudero.

Lately, kasama nang ini-endoso ng ilang malalaking sektor ang BINAY-POE tandem na masasabing isang viable combination na malakas ang appeal at karisma sa masa.

Personally, naniniwala tayo sa tambalang BINAY atSenadora Grace Poe na ang integridad at kakaibang katangian ay sadyang masasabing super to the max.

Sa maikling panahong nanungkulan si Poe sa Senado, napatunayan niya ang kanyang pagiging epektibo at masipag na mambabatas.

Bagamat aaminin nating hilaw pa sa karanasan ang anak ng DA KING na si FPJ, ipinakita naman ni Grace Poe ang kanyang sinseridad sa kanyang hinahawakang posisyon ngayon sa Senado.

Sa pinakahuling hearing na pinamunuan ni Sen. Poe bilang pinuno ng Senate Committee on Peace and Order and Dangerous Drugs,ipinakita niya na hindi siya matitinag sa tungkuling gampanan ang tamang pamantayan na inaasahan sa kanya ng sambayanan.

Sa paggisa kay PNP chief, Alan Purisima na isang bosom buddy ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ‘di natinag si Poe sa pressure ng Malacañang para depensahan ang beleaguered na hepe ng pambansang pulisya.

Nakita rin ng mamamayang Filipino kung paano nag-abogado para kay Purisima ang mga sispsip na senador na kaalyado ni PNoy.

Having mentioned all that, malinaw pa sa sikat ng araw na pinatunayan ni Grace Poe na isa siya sa mga politikong maihahanay sa iilang may prinsipyo at delicadeza.

Hindi niya inalintana ang naging papel ng LP at ng koalisyon sa kanyang kandidatura noong 2013 elections na siya dinala at nanalo bilang senador.

Para kay Grace Poe, malaki ang kanyang responsibilidad sa bayan at sa bawat Filipino kung kaya’t kailangan tuparin ang tawag ng kanyang tungkulin at ilabas ang buong katotohanan sa kaso ni Purisima na ‘pet baby’ ng administrasyong Aquino. Grace Poe up to this moment remains the epitome of an immaculate political figure. Wala kahit anong bahid ng mantsa.

Kung matutuloy ang tambalang Binay-Poe sa 2016elections under the umbrella ng grand coalition ng oposisyon, mababalewala ang all out efforts ng administrasyong Aquino at ng Liberal Party (LP) para durigin ang kredibilidad ni Binay.

Desperado ang LP sa nakikitang trend pagdating sa kanilang supossedly candidate na si Mar Roxas. Usad pagong ang pag-angat nito sa survey ratings kung hindi man pilit na pilit o pinepeke ‘ika nga!

Kapag nanatiling solido ang pwersa ng tinaguriang TATLONG HARI ng oposisyon na si BINAY, ERAP ESTRADA at ang nakakulong na si Senator JUAN PONCE ENRILE, daraan sa karayom na walang butas ang kandidatura ni Mar Roxas.

‘Yan ay depende kung hindi ibabasura ng Partido Liberal (LP) ang pangarap or shall we say ILUSYON ng DILG Secretary na maging Pangulo ng bansa after Pnoy’s term ends this coming 2016.

Wala kasing matinong kandidato ang LP para itapat kay Binay except Aquino himself hehehe. Admitting na super-lakas ang dating ng Bise Presidente na kailangang durugin ang kredibilidad para lamang magkaroon ng outside chance ang sino mang itatapat ng Partido Liberal, hence demolition job versus Binay and his family commence.

Ang masakit, pera ng taumbayan ang itinutustos sa demolition job na ito. Resources, oras at posisyon sa gobyerno ang ikinokompromiso sa ‘whistleblowers’ gaya nina former Vice Mayor Ernesro Mercado na iniulat na magiging official mayoralty candidate ng LP para sa siyudad ng Makati sa 2016.

BOBOTANTE ba ang tingin ng mga taga-LP at Malacañang sa mga taga-Makati City.

Kahit anong repackage ang gawin kay Mercado, mananatiling bulok at mabahong merchandise na hinding-hindi bibilhin ng mga mamamayan ng Makati.

Pero bakit nakipag-compromise ang LP kay Mercado? Dahil ang punong kandidato ng nasabing partido (LP) ay hindi uubra kay Binay, which is si Mar Roxas nga!

Anyway, having stated all these scenarios, walang papantay at makakatapat sa kalibre ng BINAY-POE tandem na niluluto ng oposisyon.

Having 3 or more candidates sa pagka-Pangulo ng bansa na magmumula sa ibang partido will not benefit the Liberal Party (LP) ni Pnoy at all dahil lalo lamang mababaon ang kanilang partido na makatsamba at manalo.

Kung ang kontrol naman ng LP sa bawat LGUs ang nakikitang advantage ng Malacañang, this could easy be overcome and upset by the unified forces of the opposition and UNA.

Hehehe, saan kayang kamay ng LANGIT hihingi ng tulong si Mar Roxas? For sure hindi puwedeng sa kamay ni General Purisima na ‘from friends to adversaries’ na ang kanilang relasyon.

ALL BECAUSE OF JUETENG MONEY!???

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Mon – Fri 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *