Wednesday , December 25 2024

Bakit nga ba sa Guian E. Samar at hindi sa Tacloban ginunita ang Yolanda?

00 Bulabugin jerry yap jsyKAHAPON pa lang ay marami na ang nang-uurot ‘este’ nagtatanong kung bakit sa Guian Eastern Samar at hindi sa Tacloban Leyte inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III ang development ng rehabilitation program, bilang paggunita sa unang taon ng pananalanta ng daluyong na Yolanda.

Siguro ay hindi pa kayang makipag-rubbing elbows ni PNoy sa mga Romualdez.

At ‘yan ay inirerespeto natin.

Ang Guian, na nasa paanan ng San Juanico Bridge ay isa sa mga ma-tinding nasalanta ng daluyong na Yolanda. Ganoon din ang Iloilo, Capiz at Roxas sa Region VI at ang Coron sa Palawan. At siyempre ang Tacloban, na naging sentro ng local at international media.

Sa kanyang talumpati, pangunahing pinagtuunan ng Pangulo ang paliwanag kung bakit ‘atrasado’ ang pagpapatupad ng rehabilitasyon sa nasabing mga probinsiya.

Sa paglilinis pa lamang, mula sa recovery ng mga bangkay, pagtatanggal ng mga debris ay inabot na ng kung ilang buwan.

Maraming dumating na tulong mula sa ibang kababayan natin at mula sa ibang bansa para sa mga nasalanta.

In kind (goods & commodities) and financial assistance pero ‘yung mga goods and commodities ay hindi agad nakarating dahil sarado at barado nga ang maraming kalsada.

Ayon pa rin sa talumpati ng Pangulo hanggang sa kasalukuyan ay nakatuon ang kanyang buong team para sa rehabilitasyon na sabi nga ‘e hindi lang 10 taon aabutin.

Maraming gusali ang nagiba, maraming institusyon at paaralan ang nasalanta at higit sa lahat maraming kababayan natin ang nawalan ng tahanan.

Hanggang sa kasalukuyan, ayon sa Pangulo ay naghahanap pa ng pondo ang pamahalaan para d’yan.

Oo nga pala, pwede rin kayang malaman kung saan ginamit ng ilang TV giant networks at mga NGO ang kanilang mga na-solicit na milyon-milyon para sa mga biktima ng Yolanda?

Anyway, alam natin na mahirap tanggapin ‘yan para sa kababayan nating nasalanta na karamihan nga sa kanila ay sa tent lamang nakatira.

Nakatulong din nang malaki ang initiative ng ibang institusyon at organisayon gaya ng TZU CHI Foundation na nagtayo ng mga tirahan, classroom at nagbigay pa ng trabaho sa mga biktima.

Alam natin na matagal at mahirap makaahon ang isang komunidad na nadaraanan ng ganitong kalamidad…hindi pa natin nalilimutan ang mga nakaraang lindol, lahar, flash floods sa iba’t ibang lugar sa bansa na maraming kababayan natin ang nagbuwis ng buhay, pero sabi nga sa pagtutulu-ngan at pagkakaisa ay mairaraos din ‘yan.

Hangad lang natin na maging tampok ang programang rehabilitasyon ng pamahalaan para sa mga biktima …

Gawin sana ng mga opisyal ang kanilang tungkulin para sa ‘mabilis’ na recovery ng mga nasalanta ng Yolanda …

Huwag sana silang malulong agad sa eleksi-yon sa 2016.

‘Yun lang po.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *