INIUTOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga ahensiyang nakatutok sa “Yolanda” rehabilitation na tapusin ang mga proyekto bago siya bumaba sa pwesto sa 2016.
Umaabot sa 25,000 proyekto ang dapat tapusin para sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda, isang taon na ang nakararaan.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, target ng Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan na matapos ang 30 percent ng proyekto ngayong taon, 50 percent sa susunod na taon at 20 percent sa 2016.
Umaabot sa 171 municipalities at 14 probinsiya ang napinsala ng bagyong Yolanda.
Una rito, pinagtibay ni Pangulong Aquino ang P168 billion pondo para sa rehabilitasyon ng mga biktima ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.