Wednesday , December 25 2024

Walang kumagat sa paawa-epek ni Antonio Tiu

00 pulis joeyNAGPA-PRESS conference kamakalawa sa Quezon City ang umaakong may-ari ng tinaguriang “Hacienda Binay” sa Rosario, Batangas na si Antonio Tiu.

Inilabas niya sa presscon ang kanyang mga hinanakit sa tatlong senador na nag-iimbestiga sa Makati Parking Building at Hacienda Binay.

Napakawalanghiya raw ng mga ginawang pagtatanong sa kanya ng Senate Blue Ribbon Sub-Committe na binubuo nina Senador Koko Pimentel, Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes.

May paiyak-iyak epek pa si Tiu. Nalagay daw kasi sa panganib pati ang kanyang pamilya matapos ibuking ni Cayetano ang kanyang bilyones na ari-arian. Baka raw target na sila ng kidnappers.

(But in fairness naman sa mga Senador, si Tiu ang naghayag sa Senate probe ng kanyang bilyones at ipinagmamalaki pang libo ang kanyang trabahador sa kanyang mga kompanya).

Pero may nakapagsabi sa atin na wala na sa bansa ang pamilya ni Tiu.

Gayunpaman, sa kabila ng mga paawa epek ni Tiu sa ginawang presscon na ang istorya ay pinost sa website ng iba’t ibang networks, negative ang feedback nito sa kanya.  Oo, buksan ninyo ang ANC, Inquirer.net, ABS-CBNnews.com, mababasa ninyo ang mga brutal na komentaryo laban kay Tiu pati na kay Vice President Jojo Binay. Sa 2,000 Comments, wala pang 50 ang nagtatanggol sa kanilang dalawa.

E, kasi nga naman… sa halos 150 ektaryang sinasabing Hacienda Binay na nagkakahalaga ng bilyong piso ay walang maipakitang malinaw na dokumento si Tiu na pag-aari niya ang naturang property. Tuloy, inaakusahan siyang ‘dummy’ lamang ni VP Binay.

Sinasabi ni Tiu na nabili niya ang kalakhan ng property  sa isang Laureano Gregorio. Pero ayaw n’ya namang iharap sa Senate inquiry ang nasabing tao para magpatunay sa kanyang testimonya.

Yes! Si Gregorio ang isa sa ‘missing link’ sa ‘Hacienda Binay.’ Isa sana siya sa main witness na makapaglilinis sa pangalan ni VP Binay kapag dumalo siya sa Senate probe at ipakita ang mga dokumento tulad ng ‘deed of sale’ na magpapatunay na ibinenta niya ang kanyang lupain kay Tiu at hindi kay Binay. E kaso, wala!!! Missing pa si Gregorio…

Tatanungin ninyo kung bakit naman napunta sa Batangas property ang imbestigasyon gayong ang pinag-uusapan ay ang overpriced Makati Parking Building?

E, kasi po sinusundan ngayon ng imbestigasyon ng Senado kung saan-saan napunta ang bilyones na kickbacks sa naturang parking building na nagkakahalaga ng P2.7 bilyon na ayon sa appraiser experts ito’y nasa P800 milyon lamang at overpriced nang higit isang bilyong piso! ‘Yun ‘yon!

Anyway, subaybayan natin ang Senate inquiry, naniniwala akong matutumbok rin dito ang real owner ng Batangas estate. Kapit lang sa inyong mga upuan, mga suki…

Sabi ng ating texters, bakit daw puro kay Binay nakatutok ang imbestigasyon gayong halos lahat naman ng trapo (traditional politicians) ay nagpasasa sa pera ng bayan. Oo nga naman… pero, kasi ibang animal si Binay, tatakbong presidente sa 2016. At dapat ang iuupong presidente ay malinis ang budhi, hindi corrupt! Kaya nga dapat patunayan ni Binay na hindi overpriced ang Makati Parking Building at wala siyang itinatagong limpak-limpak na kayamanan na nanggaling sa pagkulimbat sa kaban ng taxpayers simula nang pumasok siya sa politika as mayor ng Makati City noong 1986. That’s it!

Ang tulak at pulis na walang plaka ang motor

– Mr. Venancio, may kapitbahay kami na pulis. May ginagamit siya na motor na walang plaka at wala rin nakalagay na ‘For Registration.’ Katwiran niya wala puwede humuli sa kanya kasi pulis siya. Mga ‘butaw’ na nalilikom ng mga TODA na maliliit ang kinikita sa kanila lang napupunta. Tapos mayayabang pa. ‘Yung isa naman may plate, hindi mo naman mabasa ang number kasi tainted ang kulay. Pusher at user. Protektado sila ng mga police dito sa detachment ng Hermosa at Presinto 7 ng Tondo 2. Huwag n’yo po i-publish number ko, kasi baka pag-initan kami dito. Salamat po. – Concerned citizen

‘Yan ang isa pang problema sa atin mga pulis. Silang tagapagpatupad ng batas ang numero unong violator! Tsk tsk tsk…

Hinaing ng vendor sa ‘hawla’ sa Divisoria

– Sir Joey, isa po akong vendor sa Divisoria, sa bandang Fiesta Shopping po. Report ko lang po ‘yung mga namamahala d’yan lalo na po ‘yung mga ‘hawla’ d’yan sa Divisoria. Grabe na po ang mga kurakot d’yan. Lalo nila pinapahirapan ang mga tulad namin. P1,600 sa sampung araw. Saan kami kukuha nun e puro na kami ‘5-6.’ Ayaw po kasi aksiyonan ni Erap ‘yan e. Puro corrupt ang mga politiko. Kabwisit! Wag n’yo na lang po ilabas ang numero ko. – Divisoria vendor

Kayo rin naman ang dapat sisihin sa paghahalal n’yo ng mga corrupt na politiko e. Sa 2016, ‘wag na kayo padala sa sarap mambola ng mga artistang politiko!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

 

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *