ni Roldan Castro
PARARANGALAN si Daniel Padilla, ang kanyang inang si Karla Estrada at siAnderson Cooper sa Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani na gaganapin ngayong November 7 sa QC Memorial Circle, 4:00 p.m.-12midnight. Ito’y paggunita sa isang taon ng sakuna na dala ng super typhoon na Yolanda (Haiyan).
Malaking tulong ang nagawa ni Daniel na magpa-free show sa halos 20,000 katao noon para sa Yolanda victims. Kahit may mga humaharang umano na politiko sa nasabing concert ay natuloy pa rin ito. Nagawa pa rin nina Daniel at Karla na mapasaya ang kanilang mga kababayan.
Awardee rin si Anderson na malaki ang naging tulong sa Haiyan/Yolanda victims!
Ang naturang event ay pangungunahan ng actor-producer na si Carlo Maceda na may itinayong movement, ang Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI) na naglalayong magbigay ng impormasyon o tulong sa mga mamamayan upang hindi na maranasan pang muli ng ating mga kababayan ang mga naranasan sa Typhoon Haiyan/Yolanda. Ang kanyang Team ang may pakana ng Thanksgiving concert upang pasalamatan ang mga unsung heroe ng Haiyan/Yolanda.
Ang Handumanan ay Visayan word na ang ibig sabihin ay tribute. Ang ilan sa mga artist at bandang magpe-perform sa free concert ay sina Kitchie Nadal, Southborder, Rocksteady, Mayonaisse, Imago, , Jireh Lim, Banda ni Kleggy, Mayonnaise, Gracenote, Geo Ong, Phylum Band, Myrus, Chlara, Save the Day, Jeth Adriano, Blanktape-Syato, Joon Baltazar, Aisaku, Belle Ame International artist Steve Steadman, at angPhilharmonic Orchestra.
Tubong Leyte pala si Carlo kaya mararamdaman ang concerned niya sa mga Yolanda victim. Bagamat isang taon na ang trahedya, marami pa rin ang nagdurusa sa kawalan ng bahay at hanapbuhay.
“Wala pa kahit sino sa bansa natin ang nagpapasalamat formally and officially… sa isang event ..sa mga nakatulong, in whatever way, sa mga kababayan nating nasalanta ng Yolanda. So, naisip naming magpa-thanksgiving concert at magbigay-parangal para sa mga deserving individual na malaki ang naging tulong sa Yolanda victims,” deklara ni Carlo.
Katuwang ni Carlo sa event na ito si Atty. Tecson Lim na isang dating Tacloban City Administrator, at ang kanyang misis na si Derlyn Maceda.
Bongga!