Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PLDT girl, Jay Anne Encarnado magsi-celebrate ng birthday sa Cherry Blossoms hotel

00 vongga chika peterIsa ang PLDT girl na si Jay-Anne Encarnado sa masasabi naming totoong Bff. Paano very straight forward siya at walang kaplastikan tulad ng iba riyan.

Birthday pala ng aming friend at tonight ay magkakaroon siya ng big celebration sa Cherry Blossoms Hotel na pag-aari ng good looking, sweet at super bait naming bossing-friend na si Edgard Cabangon.

Bukod sa amin ni amigang Pete Ampoloquio Jr., na malapit rin kay Ms. Jay-Anne, dahil likas na mabait at ma-PR at laging active sa halos lahat ng activities ng PLDT, ang kompanya ni Mr. Manny Pangilinan na may mataas siyang posisyon tiyak na daragsain ng mga friends niya at kilalang media personality ang party.

Samantala naikuwento pala ni Bff Jay-Anne sa amin, na sa lahat ng mga event ng PLDT na dinaluhan niya ay laging memorable sa kanya ang yearly na “Gabay Guro” project ng PLDT. Bukod sa hanga siya sa mga teacher, na itinuturing na Bayani ng ating bansa ay napi-feel niya ang pagpapahalaga ni MVP sa kanila. Meron pang isang event na panalo sa puso ng aming kaibigan at ‘yan ay ang “Rise” Charity concert ni Maestro Ryan Cayabyab kasama sina Dulce, Jed Madela, Cardinal Chito Tagle etc. Ginanap ang nasabing konsiyerto noong June 11, 2014 sa Manila Cathedral-Basilica. Dahil very heartwarming ay hindi napigilan ni Ms. Jay-Anne na ‘di mapaluha lalo na’t ang proceed ng show ay mapupunta sa mga kababayan nating sinalanta ng killer typhoon Yolanda.

Pretty girl Jay-Anne happy-happy birthday to you gyud!

 

ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …