Gud pm po,
Pwd po b magtanong qng ano ibig sbhn ng mga panaginip q,lagi po aq na2ginip ng ahas hinahabol aq, tpos nanaginip din aq ng mga patay nbuhay, tnx po (09266618487)
To 09266618487,
Ang panaginip ukol sa ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.
Kapag sa panaginip ay hinahabol ka, posibleng nagpapakita ito na ikaw ay umiiwas sa sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo magagawa o wala kang mapapala. Kadalasan din na ito ay isang uri ng metaphor na nagsasaad ng iyong insecurity. Ito’y nagsasaad din ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo.
Ang panaginip mo ukol sa patay ay maaaring babala na may kaugnayan sa mga negatibong bagay at tao sa paligid mo na labis na nakaka-impluwensiya sa iyo. Ikaw ay nakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao at ito ay maaaring magbunga ng material loss. Posible rin na nagsasaad ito na nami-miss mo ang mga malapit sa iyo at mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Sa kabilang banda, ang panaginip mo ay isang paraan din na nagiging daan upang maging outlet para mas makayanan ang sinapit na pagkawala ng minamahal sa buhay. Maaari rin na ang ganitong klase ng panaginip ay may kaugnayan sa trauma o takot na muling mangyari ang mapait na karanasang tulad nito o takot na mawalan muli ng mahal sa buhay.
Señor H.