Thursday , November 14 2024

Paninira ‘di na in sa publiko

00 BANAT alvinMUKHANG hindi na gaanong epektibo ang paninira sa politika sa bansa.

Kitang-kita natin ito sa katauhan nina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes na sa halip bumango sa tao ay lalo pa silang nababaon sa limot ng publiko.

Sina Cayetano at Trillanes ang pangunahing nagdidiin kay Binay at pamilya sa kontrobersyal na Makati Parking Building na umabot na sa iba’t ibang sinasabing pag-aari ni Binay.

Hindi rin maitatanggi na tapos na ang panahon ng black propaganda sa tao dahil hindi na gaanong kinakagat ng publiko at sa halip ang mga naninira pa ang bumabaho ang imahe sa masang Pilipino.

Sa pinakahuling survey ng SWS para sa mga naghahangad na kumandidato sa 2016 presidential election, kitang-kita na mula sa dating 5 percent noong Hunyo ang may gusto kay Cayetano bilang pangulo ay bumaba pa ito sa 1 percent nitong 3rd quarter ng taon.

Maging ang survey ni Trillanes ay nakabibigla dahil hindi nakatulong sa kanya ang ginawa niyang pagpapapogi gamit si Binay na malayo sa presidential derby at pang-apat lamang sa mga kandidato sa VP race.

Sa maikling salita, dapat mag-isip ng ibang gimik sina Cayetano at Trillanes dahil kung sawa na ang tao sa EDSA People Power ay mukhang kasabay na rin nitong naglaho ang pagpatol ng madla sa maruming gimik politika.

***

Dapat nang bumitiw ni VP Jojo Binay kay PNoy.

Halatang-halata naman na inilalaglag na siya kung kaya’t malinaw na wala na siyang puwang sa administrasyong Aquino.

Resignation ang sagot sa problemang ito ni Binay dahil panahon na para ipakita niya na kaya niyang tumayo sa kanyang sariling paa lalo’t dito masusubok ang kanyang kakayahan bilang lider at bilang isang tunay na politiko.

Drastikong paggiba ang ginawa kay Nognog kaya’t drastikong hakbang rin ang kailangan ni Binay dahil hindi ordinaryong nilalang ang kanyang mga kalaban.

 

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *