Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-amin ni Julian sa relasyon nila ni Julia, ipinababawi

 ni Roldan Castro

110414 Julian Estrada Julia Barretto

HINDI naman yata makatarungan ang nasagap naming balita na pinababawi umano ng management ang pag-amin ni Julian Estrada sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na naging girlfriend niya for six months si Julia Barretto.

Unang-una, hindi naman niya sinadya ang kanyang relasyon. Pinilit lang paaminin si Julian at naging honest lang siya.

Bakit kailangang bawiin pa niya eh, tapos na ang relasyon nila? Pagkatapos ng pasabog na ‘yan ay unti-unti namang mamamatay ang isyu.

Magmumukha pang sinungaling si Julian kung uutusan na ‘pag may ambush interview ito ay sasabihin niya umano na six months siyang nanligaw pero hindi siya sinagot ni Julia. Baguhin ba ang statement?

Hindi naman tanga at bingi ang mga press people sa pag-amin niya sa open forum ng presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig na showing sa November 12. Marami ring nakatsikahan si Julian na movie press after ng presscon proper na nagdetalye siya tungkol sa hiwalayan nila. Na kesyo nawalan sila ng time sa isa’t isa ni Julia kaya nagdesisyon silang mag-break at maging magkaibigan na lang.

Kredibilidad ni Julian ang nakataya kung babawiin niya ang pag-amin niya. Mas pinaniniwalaan pa naman siya ng press sa mga sinasabi niya kompara kay Julia na nagdi-deny.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …