Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, okey lang magka-baby kahit maganda ang career sa Dos

ni Roldan Castro

110714 Nadine Samonte

READY na talagang magkaanak si Nadine Samonte kahit maganda ang feedback niya sa pagbabalik sa ABS-CBN 2. Dati siyang Star Circle na ka-batch si Bea Alonzo bago naging produkto ng Starstruck ng GMA 7 at naging contract artist din ng TV5.

Pagkatapos niyang magbida sa Maalaala Mo Kaya ay inilagay agad siya sa Hawak Kamay. Bagamat nasa last three weeks na lang ang serye ay may bagong project sana siya dahil balitang makakasama siya sa isang Christmas series. Sad to say, may conflict sa taping niya sa Hawak Kamay na humaba na ang role at makakasama na raw siya hanggang ending.

Magsisimula na kasi sa Wednesday ang taping ng serye para sa Pasko, eh, masasagasaan ang MWF at Friday taping niya sa Hawak Kamay. Pero ginagawan pa ng paraan na maayos ang schedule niya.

Balitang plano ring isama si Nadine bilang sosyalera na ka-love triangle sa Pasion De Amorpero ang problema ay baka abutin na s’ya ng pagkabuntis kung pagkakalooban sila ng Diyos. Kagagaling lang nila ng kanyang mister sa Bali, Indonesia bilang second honeymoon at selebrasyon na rin ng first wedding anniversary nila. Lihim na ginanap ang Christian Wedding ni Nadine kay Richard Chua, anak ni Isabel Rivas last year.

Pareho raw nagkakasundo sina Nadine at Richard na babae ang gustong maging unang baby.

Bet kasi ni Nadine na ayusan ng buhok, suklayan, at lagyan ng make-up kung babae ang magiging panganay nila.

Bongga!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …