Monday , December 23 2024

Marlan Manguba, representative ng ‘Pinas sa Mrs. World

ni Roldan Castro

110714 Marlan Manguba

WALANG kinalaman ang Miss World ni Cory Quirino sa Mrs. World ni Ovette Ricalde. Hindi rin totoo na may gap sila at pinag-aawayan ang naturang titulo dahil magkaiba naman ang Miss World at Mrs. World.

Anyway, nagsilbing inspirasyon ng representative ng Pilipinas sa Mrs. World 2014 pageant na si Marlan Sabburn Manguba sina Melanie Marquez, Charlene Gonzales, B Ruffa Gutierrez na kahit may mga asawa na’t anak ay maintain pa rin ang pigura sa pagiging beauty queen.

Lumipad na si Marlan patungong Solomon Island, Maryland USA na roon gaganapin ang Mrs. World 2014 na magsisimula sa November 11- 19. Tatanggap muna siya ng award for Philanthropy from the Gawad Amerika Foundation in Hollywood USA.

Mukhang malaki ang chance ng ‘Pinas na maiuwi ni Marlan ang korona base sa personality niya, pagrampa, at pagsagot nang makita namin siya sa kanyang send off party sa Quezon City Sports Club, kamakailan.

Fifty delegates worldwide ang makakatungali niya. Excited si Marlan sa bagong hamon na susuungin niya. Ipinakilala si Marlan ng dating Mrs. World Philippines na si Rizalina Asa sa National Director ng Mrs. World na si Ovette.

Nag-train si Marlan since April sa Kagandahang Flores (KF) ni Rodgil Flores na kilalang beauty queen maker.

“This is a totally new experience for me. I savor the long training sessions with KF. It was very inspiring because I have been getting the same training that other beauty queens (like Bb. Pilipinas titleholders MJ Lastimosa and Kris Janson, Miss Philippines Earth Jamie Herrell and Mutya ng Pilipinas Psychee Patalinjug) were getting,” deklara niya.

“I have no previous national pageant experience so this is an opportunity for me to carry and fulfill a dream to be a beauty queen!,” sambit pa niya.

Para kay Marlan, relevant pa rin ang pagsali ng mga married woman sa mga beauty pageant.

“Beauty pageants like Mrs. World not only awaken a sense of responsibility for married women but also make us realize and acknowledge that women are essential to society.

“Without women, the world will not be a happy place as it is today. As married women, we are the mothers of our families, the light of our homes,” deklara niya.

“If I win as Mrs. World, it will give me a louder voice to influence and inspire everyone especially women, to do more for the community, not only in the national level but internationally as well. I will work towards involving the other delegates to do charity work,”bulalas pa ni Marlan.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *