Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance Raymundo, gustong makatrabaho sina Coco Martin at Lloydie

110714 lance coco lloydie

00 Alam mo na NonieHAPPY ang singer/actor na si Lance Raymundo sa muli niyang pagiging aktibo sa showbiz.

Mula nga nang nagbalik siya after ng kanyang freak gym accident, kaliwa’t kanan ang ginagawa niya ngayong pelikula. Kabilang dito ang Gemini, Sigaw sa Hatinggabi, Maskara ni Direk Genesis Nolasco with Ina Feleo and Ping Medina at Hindi Sila Tatanda ng Cinema One Filmfest.

Pero bukod sa movies, nabanggit ni Lance na gusto niya ulit makapagtrabaho sa TV.

“Yes, I want to try TV again. And napansin ko rin na after na slight na nagbago ang itsura ko ay nag-iba rin ang mga role na ibininigay sa akin. So, I wanna see where I belong sa TV.

“I haven’t auditioned for any TV project yet since I got well. Sa TV, I don’t have any preference… I just wanna get back, then take it one step at a time.”

Pero nang inusisa namin, sinabi niyang kung mabibigyan ng pagkakataon, sina Coco Martin at John Lloyd Cruz ang gusto niyang makatrabaho sa TV. Pati na sina Jake Cuenca, Enrique Gil, at Jason Abalos na dati na niyang nakasama.

“Of course, I wanna work with Coco and John Lloyd. I really enjoy working kung magaling yung kasama ko. Like now, I’m working with Ina Feleo and ang galing niya. Si Irma Adlawan din, sobrang sarap na kaeksena.

“I’ve worked with Jake Cuenca, Enrique Gil & Jason Abalos before. So it would be fun to work with them again,” saad pa ni Lance.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …