Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kagwapohan kay Papa P, sex appeal naman ang kay Iñigo Pascual

080414 iñigo piolo pascual

00 vongga chika peterNGAYONG nagkakaroon na ng tinatawag na showbiz aura at aware na sa kanyang looks si Iñigo Pascual.

For sure marami ang magbababa na ng kilay lalo na ‘yung mga paulit-ulit na lang na namimintas kay Iñigo na wala nang ginawa kundi ang ikompara ang newcomer young actor sa amang si Piolo Pascual. Paulit-ulit na lang at nakauumay na ang comparison nila sa mag-ama na mas guwapo raw si Papa P sa anak.

Oo naman! Wala naman pwedeng magkuwestiyon sa kagwapohang taglay ni Piolo, na isa sa naging puhunan niya sa pag-aartista. Pero para sa amin at sa iba pang beki ay ‘di hamak na mas malakas naman ang sex appeal ni Iñigo kay Papa P. Nakita namin sa Google ang ilang sexy photos ni Iñigo na nag-pose siya nang shirtless. At mapapa-Wow ka talaga sa animalistic appeal nito at ganda ng katawan na may ABS pa.

Well, laking Amerika ang young singer-actor kaya medyo may pagka-liberated pero conservative rin dahil sa aral mula sa daddy actor.

Sa kanyang recent interview sa isa sa kasamahan sa panulat ay walang backle na sinagot ni Iñigo ‘yung question tungkol sa kanyang ‘virginity’ at inamin na virgin pa siya at no experience sa girls. Open rin daw sa cute na actor ang rumampa sa mga sexy fashion show pero hindi pa raw ngayon dahil bata pa siya. Kahit nga sa kanyang lovelife ay hindi rin nagmamadali si Iñigo. Kahit pa sabihing may mutual understanding na sila ni Sofia Andres na partner sa launching movie na “Relaks It’s Just A Pag-ibig” ay hindi niya ito masyadong sineseryoso ganoon rin naman si Sofia. Pagdating naman sa kanyang movie na sabi ay pagbibigay lang sa kanya ni Piolo, dahil priority pa rin ng kanyang tatay ang makapagtapos siya ng kanyang studies.

Medyo kabado raw silang lahat sa cast including Julian Estrada and Ericka Villongco dahil pare-pareho silang mga baguhan sa showbiz even their directors na sina Antoinette Jadaone at Irene Villamor ay belong din sa mga new breed of director sa industry. Pero sa ganda ng feedback ng pelikula nila, tiyak na magugustohan ito ng bagets generation. Kung pagbabasehan ang patuloy na pagdami ng fans ni Iñigo gaya nang pagkagulohan ng mga tagahanga sa mall tour nila ni Sofia sa SM Novaliches recently, mukhang maganda naman ang magiging resulta nito sa takilya.

Samantala may natitira pang mall tour sina Iñigo, Sofia at Julian at mapanonood ninyo nang live sa SM Fairview on November 9 at ipalalabas naman ang movie nila nationwide sa November 12. Ka-join rin pala sa cast sina Smokey Manaloto, Ear Ignacio, Pia Magalona at Alessandra De Rossi. May music video ang film perfomed by Iñigo.

Ang Relaks It’s Just A Pag-ibig ay produced ng Spring Films na naghatid sa inyo ng box office hit comedy series ni Eugene Domingo na “Kimmy Dora.” Ang Star Cinema ang nag-release ng nasabing bagong kilig movie ng taon.

Guys, please support their movie gyud!

ni Peter Ledesma

00 vongga chika peter

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …