Friday , November 15 2024

Jamaican timbog sa ‘package scam’ sa NAIA

110714 jamaican timbogINARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ang isang Jamaican national matapos ituro ng isang Thai national na umano’y si-yang tumanggap ng US$10,000 bilang kabayaran sa duties and taxes para sa kanyang taxable package.

Humingi ng tulong si Thanong Sookdee sa Customs Enforcement and Security Service (ESS) na pinamumunuan ni Dirrector Willy Tolentino, kay Customs Intelligence and  Investigation Service (CIIS) head Joel Pinawin at customs police chief Col. Reggie Tuason at inireklamo ang isang John Paul at Dickson Jones na sinabing magdadala ng kanyang package mula Germany patungo sa bansa.

Ayon kay Sookdee, dumating sa bansa mula sa Thailand nitong Oktubre 30 sa NAIA terminal 1, para kunin ang kanyang personal package mula sa Germany na ipinadala ni Mr. Mario Draghi, dating bank director.

Ani Sookdee, tumawag sa kanya si Draghi na ipadadala sa kanya ang kanyang package ngunit hindi deretso sa Thailand dahil wala silang kontak sa customs doon kaya sa Filipinas nila ipinadala.

Inutusan umano ni Draghi si Sookdee na agad pumunta sa bansa para sa kanyang package at hintayin ang tawag sa cellular phone.

Duamating si Sookdee sa NAIA nitong Oktubre 30 at tumanggap ng instruction sa cellular phone na maki-pagkita siya sa isang diplomat officer na kinilala sa pangalang Mr. John Paul.

Si John Paul umano ang mag-aasikaso sa pagpoproseso ng kanyang package.

Nitong nakaraang Biyernes (Oktubre 31) tumawag si Paul kay Sookdee at sinabing kailangan nila ng US$10,000, kukunin umano ito ng isang Dicksone Jones sa kanyang hotel malapit sa NAIA bilang kabayaran sa duties and taxes.

Nagbigay si Sookdee ng $10,000 kay Jones sa Room 718 ng hotel dakong 10-11 a.m. at sa loob ng dalawang oras ay darating ang package.

Bumalik si Jones at nagpakita ng pekeng customs official receipt at sinabing humihingi ng dagdag na US$12,000 ang Customs para mai-release ang package sa Shangrila hotel sa Makati.

Tinawagan umano ni Paul si Sookdee upang muling ipaalam na naki-kipagnegosasyon siya sa customs officials para sa release ng package at muling nagbigay ng $12,000.

Nagpakilala pa umano si Jones na isa si-yang Customs officers.

Pero may pagdududa na si Sookdee kaya humingi na siya ng tulong sa customs at saka isinagawa ang entrapment proceedings sa Manila Airport hotel malapit sa NAIA na pagkikitaan nina Sookdee at Jones.

Dakong 1:0 p.m., nasakote si Jones saka dinala kay Customs police chief, Col. Reggie Tuason para sa kaukulang inte-rogasyon at imbestigas-yon base sa reklamo ni Sookdhee.

Tahasang tinanong ni Sookdee si Jones kung nasaan ang kanyang shipment at ang kanyang pera (“Where is my shipment, and where is my money”)

Pero ayon kay Sookdee wala na ang kanyang pera. Si Jones ay isasailalim sa inquest proceedings sa

Pasay City prosecutor’s office habang si John Paul ay pinaghahanap ng mga awtoridad.

“This is a real package scam at ginagamit pang haven of international crime ang bansa natin,”  ani Tuason.

Gloria Galuno

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *