KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DoJ) ang isang gold trader dahil sa maling deklarasyon ng kita noong 2009 at 2010
Ayon kay Internal Revenue Deputy Commissioner Estela Sales, mahigit P69 milyon ang buwis na hinahabol ng BIR sa gold trader na si Rizaldy Goloran Chua, ng Sta. Cruz, Rosario, Agusan del Sur.
Nabatid kay Sales, hindi idineklara ni Chua sa kanyang annual income tax return para sa 2009 at 2010, ang lahat ng kanyang kinita mula sa pagbebenta ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nalaman ng BIR na nakapagbenta si Chua ng ginto sa BSP noong 2009 sa halagang P87.91 milyon ngunit ang idineklara lamang niya ay P190,000.
Habang noong 2010, nakapagbenta si Chua ng ginto sa BSP sa halagang P8.1 milyon ngunit idineklara lang niyang P204,000.
Leonard Basilio