Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Demoniño (Ika-29 labas)

00 demoniño

MATUTULOG NA SANA ANG GURONG SI EDNA NANG MULING SALAKAYIN NG DIYABLONG NAG-ANYONG SAWA

Sa silid-tulugan ay ayaw dalawin ng antok si Edna. Mag-aalas-dose na ng gabi noon. Inilatag niya nang latag na latag sa higaan ang nananakit na katawan. Pagtihaya sa kutson, ang puting panyong nakatali sa kanyang leeg ay inilipat niya sa pulsuhan ng braso. Pagkaraan niyon ay namigat ang mga mata niya. At unti-unti nang nanigas ang kanyang buong katawan. Pero gising na gising ang diwa niya. Ramdam niya ang paggapang ng kung anong bagay sa kanyang mga hita na lumusot sa gina-gamit niyang kumot. Ma-dulas at parang mamasa-masa iyon. Sa tantiya niya ay ga-braso ang laki nito. Sumisingasing ito. Ngiiish… ngiiish… ngiiish! Ay! Pagkalaki-laking sawa ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Sa pakiwari niya ay gusto nitong pasukin ang kaloob-looban ng kanyang sinapupunan.

Diyablo ang sawang nagngangalit ang anyo. Litaw ang matutulis na pangil nito. Nagpilit si-yang maipananggalang sa kapahamakan ang kamay na kinatatalian ng panyong puti. Napakislot ang sawa na parang napaso. Nag-angat ito ng ulo at saka humarap sa kanya. Na mandin ay ibig siyang patayin sa pamamagitan ng paglinggis sa katawan niya. Ngiiish… ngiiish… ngiiish! Nayakap niya ang sarili. Napansin niyang takot na nangilag ang di-yablo na nagsa-anyong sawa sa panyong puti na napatapat sa kanyang dibdib. At biglang-bigla itong nawala sa paningin niya.

Napaluhod si Edna sa ibabaw ng kama at hagulgol na nagpasalamat sa Diyos na nagbigay sa kanya ng proteksiyon.

Noon sumaisip ng dalagang guro na ang pananampalataya sa Maykapal ay kinakailangan din namang subukin tulad ng ginto na pinararaan muna sa apoy. Pero nagtataka siya dahil sa ti-ngin niya ay tanging si Shane na lamang sa mga magkakasambahay ang hindi nakararanas ng kademonyohan ng batang ampon – ang diyablo na nagkatawang-tao.

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …