PARANG mga sanggol na inaalagaan ng volunteers sa Tolga Bat Hospital sa Atherton, Australia ang inabandonang baby bats. (http://www.boredpanda.com)
KUNG iniisip n’yong nakatatakot ang vampiric creatures ng gabi, nagkakamali kayo.
Ang inabandonang bat pups na dinadala at inaalagaan sa Tolga Bat Hospital sa Atherton, Australia ay patunay na ang baby bats ay maaari ring maging cute katulad ng mga kuting o tuta.
Ang fruit bat pups sa Tolga Bat Hospital sa Atherton Tablelands ay dinala sa nasabing ospital dahil sa tick paralysis o dahil namatay ang kanilang ina o nagkasakit kaya hindi na sila mapadede.
Inaalagaan ng volunteers sa hospital nurse ang bat pups hanggang sa lumusog at lumakas para muling maibalik sa kagubatan.
Ang ospital ay nagsisilbi ring sanktuwaryo para sa mga paniki na nagretiro na mula sa mga zoo. (http://www.boredpanda.com)