ANIM Chinese national ang naaresto matapos masakote sa loob ng itinuturing ngayon na pinakamalaking shabu laboratory sa bansa na sinalakay sa Camiling, Tarlac ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.
Ayon kay NBI Deputy Director for Investigative Services Ricardo Pa-ngan, sa paunang pagtaya ay aabot sa P3 bil-yon ang halaga ng illegal na droga, mga sangkap, mga makina at kagamitan sa paggawa ng shabu ang nasamsam sa pagsalakay sa Bonifacio St., sa Bayan ng Camiling.
Kasama rin sa nakompiska ang anim malalaking makina na ginaga-mit sa pagmananupaktura ng shabu.
Nadatnan sa lugar ang finished products na droga at mayroon pang hindi nailalagay sa pakete.
Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court.
Ang sinalakay na shabu laboratory ay isang malaking warehouse na dating ginagamit ng isang farmers’ multi-purpose cooperative.
Dalawang buwan isinailalim sa surveillance ang lugar bago isinagawa ang pagsalakay.
Hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng anim naarestong Chinese na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, partikular ang probisyong may kinalaman sa pag-manufacture ng illegal na droga.
Anak ng parak, campus queen tiklo sa drug ops
CAUAYAN CITY, Isabela – Naaaresto ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforecement Agency (PDEA) Region 2 at Cauayan City Police Station ang anak ng isang pulis kasama ang kanyang girlfriend na campus beauty queen, sa drug buy-bust operation sa Christine Village, Cauayan City.
Kinilala ang mga inaresto na sina Lord Loui Duarte, 30, residente ng Christine Village, Cauayan City, anak ni SPO4 Lupo Duarte, investigator ng Cauayan Police Station; at Marjorie Marcos, 19, kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa isang university sa Cauayan City.
Ayon kay Agent Jaime Clave, team leader ng PDEA Region 2, nasa drug watchlist si Duarte at matagal nang sinubaybayan ng mga awtoridad dahil sa paggamit at pagbebenta ng illegal na droga.
Nakompiska sa pag-iingat ni Duarte ang apat na heat sealed sachet ng hinihinalang shabu.
Nahaharap sina Duarte at Marcos sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Leonard Basilio