ni AMBET NABUS
MULA kay Ate Guy kasama si Alden Richards, hanggang kina Angelica Panganiban at JM de Guzman, Angel Aquino at sina Lovi Poe at Rocco Nacino at hanggang kay Jericho Rosales, tiyak na ma-e-excite ang mga mahihilig sa mga bagong movie na “kakaiba” at gawa ng mga promising filmmaker via Cinema One Originals.
On its 10th year, ”INTENSE” ang tema ng produksiyon ng 10 kalahok sa Cinema One Originals, plus mayroon pang section for short films (na kasama si Nora Aunor etc..) at may ilang award-winning movies from other countries na for exhibition din. Ang lahat ng ito ay mangyayari simula ngayong Nov.9-18 sa mga venue na Fairview Terraces, Glorietta, Trinoma, at Greenhills Dolby Atmos theaters.
Ang 10 mga napiling entries ay Di Sila Tatanda, Seoul Mates, Red, Violator, Soap Opera, Lorna, Bitukang Manok, Esprit de Corps, That Thing Called Tadhana, at The Babysitters.
Magiging malaking bahagi rin ng Cinema One Original Film Festival ang pagpapalabas ng mga restored classic gaya ng Hindi Nahahati ng Langit ni direk Mike de Leon na ipinalabas noong 1985 na bida sina Christopher de Leon at Lorna Tolentino kasama sina Dina Bonnevie at Edu Manzano.
“We really expect that this year’s Cinema One event will spell a lot of difference as we try to cater to all audiences. And believe me, ‘yung 10 entries na napili namin ay totoong bolder, bigger and better,” sey pa ng Cinema One head na si Ronald Arguelles.