Monday , December 23 2024

Subsistence allowance ng sundalo itataas na

110614 soldiersKOMPIYANSA ang Magdalo party-list na makatitikim ng umento sa subsistence allowance ang uniformed personnel ng gobyerno sa susunod na taon.

Nasisiguro nina Magdalo Reps. Ashley Acedillo at Gary Alejano, mapagtitibay ng Kamara sa pagbabalik ng sesyon ang kanilang House Joint Resolution No. 11.

Sa ilalim ng joint resolution, itataas sa P150 kada araw ang subsistence allowance ng uniformed personnel mula sa kasalukuyang P90 bawat araw.

Sakop nito ang mga taga Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang civilian active auxiliaries nito, ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police Academy (PNPA).

Ang HJR 11 ay aprobado na ng House committee on appropriations para sa alokasyon ng pondo para rito at maghihintay na lamang matalakay sa plenaryo, habang ang counterpart nito sa Senado ay pasado na.

Sa komento ng DBM sa Senate version nito, nais ng kagawaran na sa Enero 2015 maging epektibo ang umento sa subsistence allowance ngunit sa House version, nais nina Acedillo at Alejano na maging retroactive ito sa Enero 2014.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *