TAMA ang tinuran kamakailan ni KC Concepcion na sumeksi na ang kanyang inang si Sharon Cuneta matapos mabawasan ng 30 lbs ang timbang nito.
Sa picture na nakita namin mula sa Facebook ni Noel Ferrer, manager ni Ryan Agoncillo, malaki na ang nabawas sa timbang ng Megastar.
At natutuwa naman kaming makita na unti-unti na ngang nababawasan ang timbang ni Sharon dahil ibig sabihin nito’y makababalik na siyang muli sa pag-arte.
Ituloy lang ni Sharon ang pagpapapayat at for sure marami na namang projects ang naghihintay sa kanya.
ni Maricris Valdez Nicasio