ni Pilar Mateo
AND his thoughs were…
Ang politika raw ang isang bagay na never papasukin ni Robin Padilla!
Nakakuwentuhan namin ito sa last shooting day ng kanyang Bonifacio…Unang Pangulo sa isang studio sa Makati.
“Ayoko kasi ng compromise. Rebolusyunaryo ako, eh. Naniniwala kasi ako na hindi naman ang politika ang solusyon sa mga kinakaharap ng bansa natin. Sa rami na ng mga nakakausap ko na itatanong mo kung mas maganda ba ang buhay natin ngayon, eh alam niyo na rin ang sagot.
“Kaya gusto kong gumagawa ng ganitong klase ng pelikula. Dahil marami itong nabubuksan sa ating mga kaisipan. At ito ang ibabahagi natin sa MMFF (Metro Manila Film Festival) na hatid ng Philippians Productions.”
At napansin namin na hindi pala nawawala ang ‘kilig’ factor sa kanila ng leading lady niyang si Vina Morales na gaganap sa katauhan ni Oriang (Gregoria de Jesus).
“Nag-mature na. Hindi mo na maloloko. Panay tawanan ang bonding namin. At mga anak na ang napapag-usapan. At one point na isinama niya si Ceana sa set na may sakit, napaluha ako noong makita ko kung paano siyang maging aligaga sa anak niya. Ngayon, kape na ang pinagsasaluhan namin. At ang maganda roon, si Mariel (Rodriguez) ang naka-isip at nag-suggest na siya ang kunin namin ng hindi pumuwede si Iza Calzado dahil sa schedule.”
No worries naman pala o dapat pagselosan sa pagbabalik-tambalan nila ni Vina the missus!