Wednesday , December 25 2024

Prangka o taklesa, concerned o epal?! (Ano ka ba talaga, Mr. Goma?)

00 Bulabugin jerry yap jsyBIGLA naman akong napa-HA nang mabasa natin ang komentaryo ni Richard Gomez a.k.a. Goma tungkol kay Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Sa kanyang komentaryo ‘e masyadong minaliit ni Goma ang mga kababayan nating sundalo na naglunsad ng mutiny noon laban sa admi-nistrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Tear gas lang umano ang nagpasuko pero naging Senador pa ngayon.

Sonabagan!!! Sawsaw suka boy!!!

Muntik magbuwis ng buhay ang mga kababayan nating sundalo na ipinaglaban noon ang kanilang kapakanan lalo na ‘yung mga naitatalaga sa mga lugar na mayroong kaguluhan halimbawa sa mga lugar na tinatawag na rebel-infested area sa Visayas at sa Mindanao.

Ang pangunahing isyu noon kung hindi tayo nagkakamali, ‘e ‘yung mga nagreretirong heneral sandamakmak ang pabaon samantala ‘yung maliliit na sundalo na namamatay sa labanan ‘e pahirapan pang maipalibing nang marangal at ang mga benepisyo ng naiwang pamilya ay aabutin ng dalawang taon bago makapakinabangan.

Marami umanong biyuda ng mga sundalo ang nagiging kabit pa ng mga heneral kapapa-follow-up sa kanilang mga benepisyo.

Habang ang mga anak naman ng mga yumaong sundalo karamihan ay hindi nakapagtatapos ng pag-aaral.

‘Yan Mr. Richard “Goma” Gomez, ang minamaliit mong ipinaglaban ni Senator Trillanes para sa ‘maliliit’ nating mga sundalo.

Sila ‘yung mga sundalo na sa panahon ng kanilang pagseserbisyo para ipagtanggol ang bansa ay laging malayo sa kanilang pamilya.

‘E alam n’yo naman sa Pinas, ang pagsusundalo ay panghabambuhay.

Hindi gaya sa ibang bansa na dalawang taon ang pagsusundalo at pagkatapos no’n ay pwede na silang mag-aral kung anong kurso ang gusto nilang pag-aralan.

Sabi nga ng mga ka-Bulabog natin, si Goma ay taklesa pa sa kabila ng pagiging taklesa.

Mungkahi lang natin kay Goma, tigilan na ang pagiging sawsaw-suka …

Naghuhulas kasi ang paging MACHO niya dahil sa sobrang kadaldalan.

‘Yun lang!

Imbentaryo sa missing recovered hot car ng MPD-ANCAR! (ATTN: MPD DD S/Supt. Rolly Nana)

‘YAN ang request ng ilang opisyal ngayon sa loob at labas ng MPD HQ.

Ito’y makaraang ilaglag ‘este’ sibakin ng nasibak rin na MPD District Director na si Gen. Asuncion ang grupo ng MPD ANCAR na pinamumunuan noon ni Major Geneblazo sa issue ng pami-mitsa umano sa isang casino financier.

Ang sabi ng mga urot sa MPD HQ, alam naman daw ni Gen. Rolando Asuncion ang ‘trabaho’ pero pagdating sa ENDULTO at pagsipa ‘e mabilis pa sa alas-kuwatro na naghugas-kamay si Sir?

Hindi naman daw maglalakas-loob ang mga lespu kung walang GO SIGNAL ng Bossing sa ‘taas’ ‘di ba?

What the fact!?

Anyway, hindi man natin personal na kakilala si Major Geneblazo ay bumilib tayo sa kanyang prinsipyo at paninindigan sa pagganap sa kanyang trabaho bilang pulis.

Hindi nga raw mapakali noon si Major Geneblazo dahil baka sa kanya pumutok ang hindi nai-surrender o hindi nai-turn-over sa kanya ang ilang recovered hot car nang siya ay maupong hepe ng MPD-ANCAR.

What the fact again!?

Recovered hot car but still missing again!?

Ayon sa ilang pulis sa GAS, ANCAR at Theft & Robbery, hindi raw tumigil si Geneblazo noon sa kahahanap sa mga reovered carnapped vehicle but missing again na under custody ng former ANCAR operatives bago sila nag-assume.

Sadya raw ‘atang kapalmuks ang naunang ANCAR group na pinalitan ni Major Geneblazo dahil kahit na putok na putok sa buong MPD HQ ang ginagawang paghahanap sa mga missing recovered vehicle ay namataan pa raw na gamit ito ng isang pulis?!

Sonabagan!!!

MPD DD Gen. Rolando Nana, alam mo ba na nai-post pa sa isang Facebook account na ibinebenta ang dalawang white Mitsubishi Montero sa ha-lagang 800K at nabenta ‘yun isang unit.

Paki-verify na rin Sir, may info kasi ang ilang kabulabog nating pulis sa Tondo na nakikitang gamit daw ng isang Kupitan ‘este’ Kapitan ‘yun isang Montero white na napakadilim ng tint, naka-21 inch customize gold rim at black covered plate number.

Kahit itanong pa n’yo kay Bagman TATA U-GIN!?

Mayor Patrick Meneses itinangging kasama siya sa convoy na nandahas sa propesora (Sa reklamo ng Direktor ng UP Law Center Institute of Human Rights)

MARIING itinanggi ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Mina ‘este’ Meneses na kasama siya ng convoy na nang-harass sa pamilya ng isang female professor sa Congressional Ave., Quezon City.

Hindi umano siya kasama sa nasabing convoy at hindi niya hahayaang gawin iyon ng kanyang bodyguard.

O sige, sabihin na nating wala ka doon Ma-yor, ‘e ILABAS at KASTIGOHIN mo ‘yang bodyguard mo na nanghihiram ng tapang sa kanyang nakasukbit na baril nang mahilatsahan ng mamamayan ang pagmumukha n’yan!

Baka kasi matino lang kunwari ‘yan kapag kasama ka.

Kapag sila-sila na lang ‘e dinadaig pa yata ang yabang at tikas mo, Mayor Meneses?!

Kadalasan talaga ganyan, matapang pa ang aso-aso kaysa amo.

Anyway, alam naman natin na nasa korte na ang kaso, husayan mo na lang ang depensa mo, Mayor Meneses.

Magpasalamat ka rin nga pala sa BFF spokesperson mong si Pandi Mayor Enrico Roque.

Next time kung ayaw mong nasasabit sa ganyang eskandalo ‘e pagsabihan mo ‘yang mga alalay mo!

Reklamo vs sugal sa Tagum City

SIR JERRY, dami pasugalan dto sa TAGUM CITY DAVAO DEL NORTE me BUSINESS PERMIT daw mula kay Mayor? Kelan pa kaya na-ging LEGAL ang COLOR GAME at LAST TWO DIGIT sa PILIPINAS? Alam kaya ni PRESIDENT P-NOY kung ano ang ginagawa sa TAGUM CITY? Paki-AKSIYONAN lang po! Marami po salamat. NICOLE G – – – – –

+639183990 – – – –

Hulidap na pulis sa Valenzuela

GOOD pm pu pwde pu bang paki-publish pu un mga pulis x drugs. isa pu aq biktima nla taga-Parada pu ako. hinuli aq tapos ikinulong sa CR ng dalawang araw at hinihingan aku ng 20k. tapos bnigay q ho un tapos eto ulit hinuli n nman aq. D ba dapat kulungan at hndi penepera? reklamo ko lng un mga pulis n un sina Ruwbawa, Lim, Hernandez, Dinauto. Cla un gumawa xken na mga pulis n makapal mukha. dapat malaman n Mayor Gatchalian un mga anomalya nila. nakakahiya cla hndi dapat cla pamarisan. Mara-ming salamat pu dnt publish #.

+6393269 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *