Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Plastikan’ sa gabinete naramdaman (Sa pagdalo ni VP Jojo Binay)

110614 binay ping kikoTILA nagplastikan ang mga miyembro ng gabinete nang magharap kahapon sa Special Cabinet Meeting on Typhoon Yolanda Updates na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III sa State Dining Room ng Palasyo.

Ito ang naramdaman ng iba’t ibang grupo sa Palasyo na inihayag ng bawat isa matapos ang pulong.

Bago nagsimula ang pulong dakong 10:00 am, narinig ng ilang taga-media si rehab czar Panfilo Lacson na sinabi kay Social Welfare Secretary Corazon ‘Dinky’ Soliman na huwag pabigyan ng rehab funds si Vice President Jejomar Binay kapag hindi dumalo sa cabinet meeting.

Ngunit ilang minuto lang ay biglang dumating si Binay at mismong si Lacson pa ang masayang sumalubong sa kanya.

Napuna rin na seryoso ang Pangulo pagpasok sa silid at iniwasan na tingnan si Binay na nakaupo sa tapat niya habang ang Bise-Presidente naman ay tila nakaismid.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nakatuon ang atensiyon ng lahat ng cabinet members sa kani-kanilang mga tungkulin, pati na si Binay, na lumahok din sa talakayan.

Tiniyak aniya ng Pangulo sa kanila na kagyat at todo ang pagsusumikap ng lahat upang maseguro na umuusad ang lahat ng proyekto sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng super-typhoon Yolanda.

Mula nang sampahan ng kasong plunder sa Ombudsman at imbestigahan ng Senado ang umano’y mga katiwalian sa Makati City noong alkalde pa si Binay at kanyang ill-gotten wealth, kahapon lang humarap ang Bise Presidente sa cabinet meeting.

Pangalawang paghaharap din nila ito ni Pangulong Aquino mula noong Oktubre 14 na tinaguriang ‘secret meeting’ na sinabing tinanggihan ang hirit niyang pigilan ang isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ).

Kahit hinamon si Binay ng Pangulo na magbitiw sa Gabinete kung hindi na naniniwala sa ‘tuwid na landas’ ng kanyang administras-yon, ay binigyan pa rin siya ng dagdag na trabaho sa implementasyon ng Comprehensive Master Plan para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.

Alinsunod sa  Admi-nistrative Order 44, itinakda ang isang one-stop-shop para mapabilis ang proseso ng pagtatayo ng permanenteng pabahay para sa Yolanda victims na lead agency ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na pinangungunahan ni Binay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …