Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Cabral, Pepsi Herrera, at Randy Ortiz, magdidesenyo ng pangkasal ng Grand Couple

110614 Paul Cabral Pepsi Herrera Randy Ortiz

00 fact sheet reggeeKILALANG designers ang tatahi sa damit pangkasal ng grand couple sa wedding ceremony ng I Do sa darating na November 12 na mapapanood naman ng November 15 sa ABS-CBN.

Ayon sa host ng I Do na si Judy Ann Santos, “Paul Cabral and Pepsi Herrera for the gown, and for the boys, Randy Ortiz.”

At malamang na ninang daw ang TV host dahil pakiramdam niya kasama siya ng grand couple sa lahat ng pinagdaanan nilang hirap sa loob ng I Do Village.

Samantala, hindi inaasahan ng natirang couples na sina Chad/Sheela at Jimmy/Kring na sila ang maiiwan para sa finale ng I Do dahil pareho raw silang nasa bottom two.

Kaya naman galak na galak ang dalawang pares nang humarap sa entertainment press noong Martes ng tanghali para ikuwento ang kanilang nararamdaman at paano nalampasan ang lahat ng pagsubok habang nasa I Do Village.

Unang tinanong ang Korean boyfriend ni Kring na si Jimmy dahil bago pa sila pumasok sa I Do Village ay ipinangako niya sa Filipina girlfriend na kapag ikinasal sila ay televised ito para mapanood sa buong mundo at ilang tulog na lang ay posibleng matupad ito.

“I believe if it’s happens, that will be the best gift that I can give to her, it’s my goal. I’m happy because, we’re at bottom two and now we’re in the bottom up,” say ni Jimmy.

Si Chad naman, “lubos pong nagpapasalamat sa nangyayari sa buhay namin, simula pa lang po talaga ay ito na ang pinapangarap namin, ito na, ito na ang katuparan namin.

Ayon naman kay Sheela, “kami po talaga sobrang blessed kami sa nararamdaman namin ni Chad kasi unang-una hindi namin inakala na mapapasama kami sa ‘I Do’ dahil itong laban na ito ay para sa Panginoon na siyang nagbigay sa amin.”

Dating nagtatrabaho sa hotel si Sheela at waiter naman si Chad hanggang sa nagtayo sila ng food business bilang paghahanda sa kasal, pero hindi pa rin kasya kaya sila sumali sa I Do baka sakaling masungkit nila ang premyo.

Samantalang si Kring naman ay marketing manager at events organizer bukod sa pagiging blogger at si Jimmy naman ay may sariling negosyo na Korean products.

Aminado ang dalawang couple na maraming nabago sa buhay nila simula nang pumasok sila sa I Do Village at mas lalong tumibay ang kanilang relasyon.

Samantala nagbukas na ang botohan sa I Do noong Nobyembre 3 at magtatapos naman sa Sabado (Nov 8) para sa Final Ceremony ng programa at iaanunsiyo ang tatanghaling Grand Couple na magkakamit ng mas maraming boto. Aling couple kaya ang mas karapat-dapat at mas handa nang mag- I DO.

Para iboto ang paboritong couple, i-text lang ang IDO A para kina Chad at Sheela o IDO B para kina Jimmy at Kring at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, Sun Cellular, at ABS-CBNmobile subscribers, at sa 231 para sa Smart at Talk ‘N Text subscribers. Tanging 30 na boto lang para sa bawat couple ang maaaring ipadala ng isang SIM card kada araw.

ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …