Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P4-M shabu nasabat sa Kyusi

022514 shabu prisonTINATAYANG nagkakahalaga ng P4 milyon ang nasabat na shabu sa da-lawang lalaki sa Brgy. Salvacion, La Loma, Quezon City.

Nakarekober ang QC Police District Anti-Illegal Drugs ng 15 maliliit na supot ng hinihinalang shabu na aabot sa isang kilo mula sa dalawang sakay ng Corolla Altis sa Don Manuel kanto ng Calavite Street.

Nagkaroon ng habulan bago tuluyang naharang ang kotse na may conduction sticker na YD 1179 habang sa temporary plate nito ay may sticker ng Philippine Army.

Kasama rin sa narekober ang P200,000 cash na marked money.

Kinilala ang isa sa mga nadakip na si Alemar Soliman, 25-anyos, batay sa kanyang driver’s license, habang itinago sa alyas Buknoy ang 15-anyos niyang kasabwat sa illegal na operasyon.

Tubong Marawi City ang mga suspek ngunit nakatira sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay QC Police Director Sr. Supt. Joel Pagdilao, may babagsakan ng shabu ang mga suspek sa La Loma kaya nagkasa ng operasyon.

Ang pagsalakay ay follow-up operations aniya sa pagkakahuli sa isang pulis-Rodriguez, Rizal sa North Fairview, Quezon City nitong Lunes ng madaling-araw.

Ang pulis ang sinasabing distributor ng shabu sa Fairview area.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …