KINOMPISKA ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) ang dalawang parsela na naglalaman ng Uni-ted States postal money orders na nagkakahalaga ng US$631,470 (P28-M) kahapon dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code at sa Anti-Money Laundering Act.
Ayon kay Customs District III Collector Edgar Macabeo ang parcel na naglalaman ng 651 pirasong postal money orders na may equal va-lue na US$970 bawat isa, ay walang pangalang nakalagay.
Idineklara itong “letters and cards” at ipinadala sa pamamagitan ng FedEx courier delivery service ni Kokou Charles Adadpo nitong nakaraang Oktubre 22 mula sa Togo sa West Africa.
Ang shipment ay naka-consign kina John Sacada Matters at David Matter, parehong may address sa Unit 710 Ferrous Bel Air Tower sa Makati City, na dumating sa Manyila nitong Lunes ng hapon (Nobyembre 3).
Iniimbestigahan na ng BoC kung lehitimo ang dalawang consignee.
Inilagay naman sa alert order ang package makaraang makatanggap ng tip ang airport Customs intelligence group sa pangunguna ni Joel Pinawin mula sa kanilang counterpart sa France.
Matapos maeksamin ng French customs ang parsela saka ito pinayagang makalipad patungong India saka sa China, ang FedEx’s Asia hub, bago tumuloy sa Filipinas dahil walang French nationals na sangkot sa shipment.
Humingi ng tulong ang Customs sa US authorities para malaman kung tunay o peke ang mga money order.
Gloria Galuno