UMAABOT na sa P18 bil-yon ang nagagastos ng iba’t ibang sektor sa rehabilitas-yon sa mga sinalanta ng supertyphoon Yolanda, halos isang taon na makaraan itong tumama noong Nobyembre 8, 2013.
Ayon kay Assistant Secretary Victor Batac ng Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR), malaki ang naging tulong ng pribadong sektor lalo na ang non-governmental organizations (NGOs) sa mga sinalanta ng kalamidad.
Agad nilinaw ng tanggapan ni Secretary Panfilo “Ping” Lacson na ang P18 bilyon ay iniukol sa iba’t ibang mga lugar na tinamaan ng bagyo hindi lamang sa Region 8 kundi sa iba pang bahagi ng Visayas at Palawan.
Tinukoy ni Asec. Batac ang ginawang pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na aabutin pa ng apat hanggang limang taon para makabalik sa normal ang kabuhayan ng mga kababayang naapektohan ng daluyong.