Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nakipag-sex sa unknown girl

00 Panaginip

 

Dear Señor H,

Nanaginip aq nkkpagsex dw aq, peo d q kilala yung grl, taz dw ay ngulat aq dhil bgla lumndol dw, medyo mgulo pngnip q e, ano po kya ibg sbhin ni2? Don’t post my cp # plz.. kol me romi ng iligan city.. tnx po!

 

To Romi,

Maaaring ang ibig sabihin ng iyong panaginip ay ang kawalan ng satisfaction sa iyong sex life kung ikaw ay may-asawa o kasintahan na. Kung wala naman, ang kahulugan nito ay ang kakulangan ng init o aksiyon sa iyong sex life. Sa kabilang banda, nagpapakita rin ito ng iyong agam-agam sa pakikipagrelasyon, lalo na kung ang pinagdaanang relasyon ay isang masalimuot na karanasan para sa iyo. Kung ikaw ay may asawa na, makabubuting mag-usap kayo nang maayos upang maresolba ang hindi pagkakaintindihan at anumang bagay na nagiging hadlang upang mas maging mabuti at punumpuno ng init ang inyong pagmamahalan. Pahalagahan ang bukas na komunikasyon at ang pagiging mahinahon sa isang relasyon dahil may gagampanang mahalagang bagay ito sa iyo. Sakaling single ka pa, maging maingat sa pagpili ng taong mamahalin.

Ang panaginip naman ukol sa lindol ay maaaring nagsasaad na ikaw ay nakararanas o makararanas ng malaking “shake-up” na magiging threat sa iyong stability at foundation. Ang ganitong uri ng panaginip ay kadalasang nagha-highlight sa iyong insecurity, fears, at sense of helplessness. May mga pagkakataon na ang nakakapanaginip nito ay nakadarama ng guilty feelings o may nagawang pagkakamali. Kung sa panaginip ng paglindol, ikaw ay nakahanap ng matataguan o mapapagkanlungan upang seguruhin ang iyong kaligtasan, ito ay nagpapahayag na malalagpasan ang mga darating na pagsubok. Kung ikaw ay nakaranas namang ma-trap o masaktan sa iyong bungang-tulog, posibleng nangangahulugan ito ng pagkawala ng ilang bagay sa iyong buhay. Ayon sa Bibliya, ang lindol ay simbolo ng galit ng Diyos at pagpapakita ng kapangyarihan. Kaya makabubuti rin na manalangin sa mga kasalanan at humingi ng kapatawaran sa Diyos at magbago ng hindi magagandang gawi.

Señor H.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …