Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Madrid sinibak ng UP

110614 rey madrid up maroons

HANGGANG Disyembre 31 ng taong ito ang termino ng head coach ng University of the Philippines na si Rey Madrid.

Ito’y kinompirma noong isang araw ng dean ng UP College of Human Kinetics na si Ronnie Dizer na nagdagdag na si Madrid mismo ang mangunguna sa paghanap ng kanyang kapalit.

Idinagdag ni Dizer na magtatayo ang UP ng search committee upang maghanap ng bagong coach at ang isa sa mga magiging miyembro ng komite ay ang dating head coach ng UST Tigers na si Pido Jarencio.

Nagdesisyon ang UP na tanggalin si Madrid pagkatapos na nagtala lang ng isang panalo ang Maroons sa UAAP Season 77 katabla ang Adamson University sa pagiging kulelat.

Idinagdag ni Dizer na ang assistant coach ng UP na si Ramil Cruz ang hahawak sa ensayo ng Maroons habang wala pa silang bagong coach.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …