Monday , December 23 2024

Jomari, 3rd place sa Super Race Championship

ni Pilar Mateo

110614 Jomari Yllana

JUST when he though… Masayang-masaya na ang aktor na si Jomari Yllana nang una siyang maanyayahan sa Yeong-am South Korea para lumaban sa Round 7 ng Super Car Race sa nasabing bayan.

Pumuwesto sa ika-anim sa category niya sa ECSTA V720 at para sa kanya na nag-iisang Pinoy na sumabak sa nasabing karera malaking bagay ito.

Pagka-uwi ng ‘Pinas, humataw siyang muli sa GTR Car Race sa Batangas bago muli na namang lumipad pa-Korea noong Huwebes para sa Final Round (8) ng Super Race Championship sa Accent One category.

Hindi inasahan ni Jomari na pupuwesto siya sa ikatlo (2nd runner-up).

Dahil bago ma-finalize ang isang panalo, maraming binubusisi.

“Mahirap siya. Although happy ako na wala akong penalty. At wala akong binangga. Muntik lang akong banggain. May isang turn lang ako na ang apat na gulong ko nasa grass. Kasi, hindi ko tinira ‘yung nagtulak sa akin. Kaya walang tama ang auto natin. Malinis daw ang karera ng man from Manila.

“Nakatataba ng puso. Oo, pinahirapan natin sila. Pinag-usapan tayo. Jomari! Philippines! Pero ang panalo eh, hindi lang para sa akin kundi sa bayan natin. Sa bandilang dala ko. Mabigat ang bandila ng Pilipinas pero naiwagayway natin ito ng buong pagmamalaki. The first Filipino to win a podium finish in the prestigious super race.”

Natutuwa rin si Jomari sa taong nagtiwala sa kanya na kaya niyang i-conquer ang Korean International Racing Circuit, his director An Su Kim (John) who’s a top racer din sa kanyang bayan some years ago. Pati na sa manager niyang si David Lee at higit sa lahat, ang mekanino at ang Korean technical crew na tumutok sa kanya at sa car 88 sa lahat ng oras.

“Tayong lahat na ang bayani ngayon. Instrumento lang ako. Kayong lahat made this happen. Hindi lilipas ang eroplano na walang gulong ‘di ba? Legacy na natin itong lahat. And I know bigger responsibolities are to come.”

Samantala, kahit na abala sa mga inaasikaso niyang business ang ex-misis ni Jom na si Aiko Melendez, tutok na tutok naman ito sa mga nangyayari sa Dada ng kanilang si Andre lalo na nang i-dedicate nito sa kanya ang panalo.

“Aiko will always be special to me being the mother of our Andre. And matagal na naming na-establish uli ang mas mataas na level ng friendship between us. We’re happier. More comfortable. Pareho kaming focused with our careers. But of course, when something like this happens, kanino ko pa ba naman ibabahagi ang panalo ko kundi sa mga babae sa buhay ko—si Aiko, my Mama Vicky and thank you, sa Mahal na Birhen ng Peñafrancia at kay Sto. Niño.”

Clear. Far from his mind to get into a relationship at this point when more races are in store next year-Korea again, China, Macau and maybe Australia!

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *