ANG mga ibon ay simbolo rin ng pag-ibig at pangako (ka-tulad ng Mandarin ducks), o kasaganaan at magandang swerte (katulad ng peacock).
SA classical feng shui applications, ang mga ibon ay simbolo ng inspirasyon at pagpapanibago.
Ang bird symbols, katulad ng flower symbols, ay may katangi-tanging universal energy na hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa pananaw ng mga tao, ang mga ibon ay inspirasyon, simbolo ng kalayaan at pagkakaisa. Ang kakayahan sa paglipad at pagpapaimbulog sa kalangitan ay iniuugnay sa feng shui sa kakayahan na maging malapit sa langit, gayundin sa kakayahan na magsilbing mensahero mula sa kalangitan.
Ang awit ng mga ibon ay nagsisilbing inspirasyon dahil sa kanilang ganda at mahirap unawain, na dagdag sa primal power ng himig bilang feng shui symbol.
Ang bawat ibon ay may kanya-kanyang katangian, katulad ng peacock na iba sa kalapati, o magpie.
Sa pagpili ng imahe ng mga ibon bilang feng shui cure, hayaang gabayan ka ng iyong sariling instincts, ng iyong sariling pang-unawa sa enerhiya ng ibon na iyong magugustuhan.
Sa traditional feng shui applications, ang mga ibon ay ikinokonsiderang powerful symbols ng bagong mga oportunidad na naririyan para sa iyo sa panahon ng mga pagsubok. Ang mga ibon ay maaari ring maging simbolo ng love and commitment (katulad ng Mandarin ducks), o kasaganaan at swerte (katulad ng peacock).
Feng shui-wise, ang pagpili ay ibinabase rin sa kulay, sa dami ng mga ibon, gayundin sa isinisimbolo ng nasabing espisipikong ibon.
ni Lady Choi