Kinalap ni Tracy Cabrera
MAKARAAN ang brutal na pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude, maitatanong natin kung ano nga ba ang kahulugan, o sino nga ba ang tinutukoy ng katagang transgender?
Mas maipapaliwanag natin siguro ito kung ang itatanong ay ano nga ba ang nagtatakda ng ating gender, o kasarian? Ito ba’y pisikal, ang puso o kaisipan, o kombinasyon ng mga aspetong ito?
Sa gitna ng pagtatalo at pagdidiskusyon sa isyu ng transgender children, isang dalagita ang nagbahagi ng kanyang personal na kuwento sa pag-asang makatutulong siya sa ibang tulad niya, at maging sa mga taong nasa paligid—para maunawaan ang mahalagang usapin.
Isinilang na lalaki si Jazz Jennings, ngunit nagsimulang magparamdam tungo sa pagiging babae nang sumapit sa ika-15 buwang gulang. At sa edad na 2 taon, sinimulan na rin ni Jazz na i-verbalize, o isalin sa wika ang kanyang damdamin na “siya ay isang babae,” at pagtuntong ng ika-limang kaarawan siya ang naging pinakabatang nilalang na na-diagnose ng gender dysphoria¯isang persistent unease na may karakter ng kasarian ng isang tao, kasama ang malakas na identification sa opposite gender.
Makaraan ang diagnosis, nagdesisyon ang pamilya ni Jazz na tanggapin at yakapin ang kanyang inner feelings para hayaan siyang simulan ang kanyang transition mula sa pagiging lalaki sa pagiging babae habang siya ay nasa kindergarten pa lang. Sa kabila ng panunukso sa kanya, nagawa rin ni Jazz na imantine ang kanyang outgoing personality at kaalanman ay hindi pinabayaan ang sino mang humarang o pumigil sa kanya para magkaroon ng kumpiyansa sa kanyang gender identity.
Ngayong 14-anyos na, si Jazz ay co-author sa isang illustrated memoir para sa kabataan na may titulong I Am Jazz. Idinokumento ng aklat ang unang mga taon ng buhay ni Jazz, mula sa pagkaka-diagnose sa kanya at ang mga karanasan niya sa eskuwelahan, at hindi lamang ito para sa kabataan sa LGBTQ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Transsexual, Two-spirited at Queer) community kundi sa lahat ng taong nakararamdam na hindi sila angkop sa lipunan.
Ilang linggo lang makaraang parangalan ng Time magazine bilang isa sa “25 Most Influential Teens ng 2014,” nakipagpulong si Jazz kay Yahoo Global News Anchor Katie Couric para pag-usapan ang mga hamon na kanyang kinahaharap habang lumalaki ang motibasyon sa likod ng kanyang aklat.