ni VIR GONZALES
NO problem kay Toni Gonzaga sakaling ang utol niyang si Alex ang bagong paboritong star ngayon ng Dos. At least, kapatid nga naman ito at hindi napukol sa iba ang suwerte.
Nakapagtatakang binigyan ng break sa TV5 si Alex pero walang nangyari, waley kung hindi pa bumalik sa Dos. Baka hanggang ngayon naghihintay pa rin ito ng suwerte.
Sabi nga ng iba hindi pala palakihan lang ng talent fee ang importante, kundi ‘yung mabigyan ng magandang project, okey na.