Sa Vigan nag-stay si Alden Richards, na gumaganap bilang si Jose Rizal sa bayani serye ng GMA na Ilustrado, noong huling linggo ng Oktubre para sa pagdiriwang nito ng Raniag Twilight Festival.
Kahit pa hindi naman first time ni Alden na mapunta sa Vigan, humanga pa rin siya sa old world charm ng siyudad.
“I can see na very colorful ang culture ng Vigan. First time ko po kasing maki-festival dito. The first time I was here, it was for a Kapuso show so hindi ko na-experience talaga what Vigan is like ‘pag festival,” sabi niya.
Noong gabi ng Oktubre 27, nakisaya si Alden sa isang Kapuso Fiesta kasama si Louise de los Reyes ng GMA Artist Center at si Max Collins na gumaganap naman bilang Consuelo Ortiga sa Ilustrado. Bago ang show, sinamantala ni Alden ang araw para mag-libot sa Heritage City of Vigan.
“I was happy na nabigyan ako ng at least one day na free sa Vigan so nag-ikot-ikot kami. We went to Calle Crisologo, the world famous street, and then we went around using ‘yung kalesa. Nagkwentong parang bata si Alden tungkol sa mga pinuntahan niya, “Nagpunta kami sa bell tower, sa burnayan, tapos tinikman namin ‘yung delicacies nila rito like ‘yung empanada, ‘yung longganisa, ang dami, even the poqui-poqui.”
Kinabukasan, sinamahan ni Alden ang nag-iisang Asia’s Songbird at Bet ng Bayan co-host niyang si Regine Velasquez-Alcasid na aliwin ang mga Bigueño sa Bet ng Bayan North Luzon regional showdown.
Napaindak ang lahat sa pagkanta ni Regine ng “Sumayaw, Sumunod” sa opening ng show. Sinundan naman ito ng makapigil-hiningang face-off sa pagitan ng anim na bets (two per category) mula sa Dagupan at Baguio sa Plaza Salcedo, na ang mga nagwagi ay magpapasiklaban sa Luzon semi-finals.
Hindi lang mga audience ang napabilib ng contestants kundi maging ang panel of judges—ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ang Pop Diva na si Kuh Ledesma, at ang Apo Hiking Society member na si Jim Paredes, na isa ring Ilokano—ay napahanga rin.
Sina Andrea Torres, Pancho Magno, at Cris Villongco naman mula sa afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra ay naroon din sa show matapos sumali sa makulay na Raniag Twilight Parade.
Nang tanungin si Alden tungkol sa kanyang overall Vigan experience, ito ang kanyang paha-yag, “I’m happy na sinabay namin sa Raniag Twilight Festival ‘yung regional finals. Very accommodating ang mga kapuso natin dito, very attentive, and very supportive sila sa atin during the Kapuso Night and doon nga sa Bet ng Bayan regional finals. So I’m very thankful sa lahat ng mga Bigueño na pumunta sa regional finals and Kapuso Night so next year ulit.”
Mapapanood ang highlights ng pakikiisa ng Network sa Raniag Twilight Festival 2014 sa Let’s Fiesta! ngayong November 16 sa siyam na GMA regional stations sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo , Bacolod , Davao , GenSan, and Cagayan de Oro.
Para sa latest updates tungkol sa GMA regional events, i-follow lang ang GMA Regional TV sa Twitter via www.twitter.com/GMARegionalTV at sa Instagram via www.instagram.com/GMARegionalTV. Samantala, mapapanood naman ang Bet ng Bayan tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Samahan din si Alden mula Lunes hanggang Biyernes, 10:05PM-10:20PM, para sa iba pang Bet ng Bayan updates.
ni Pete Ampoloquio, Jr.