Friday , December 27 2024

Rox Tattoo (Part 4)

00 rox tatto

ISINAMA NI DADAY SI ROX SA KANYANG INUUPAHANG KWARTO AT DOON NAGKWENTO

“Ow, talaga? Saan?” naitanong niya.

“D’yan lang…” ang pagtuturo ng ni Daday sa isang popular na bahay-aliwan sa karating lugar ng Pulong Diyablo.

Balitang-balita na prente lamang ng prostitusyon ang establisimyentong iyon na pinamumugaran ng mga magaganda at batambatang kababaihan. Napanganga si Rox sa kababatang dalagita.

“Baka kung ano na agad ang iniisip mo, ha?” sabi ni Daday na pumingot sa tenga niya. “Hoy! Dancer ako du’n, ‘no!”

Niyaya siya ni Daday na sumama sa nirerentahan nitong maliit na kuwarto. Malapit lang iyon sa bahay-aliwan na pinagsasayawan. At doon nga silang dalawa nagkatagayan ng alak.

“Magdadalawang linggo pa lang ako sa trabaho pati na rito sa inuuwian kong kuwarto,” pagkukuwento ni Daday kay Rox sa pagsisimula ng kanilang tagayan.

“Kaya pala matagal tayong ‘di nagkita…” aniya makaraang makalagok ng alak sa basong kristal.

“Tama nga pala sina Trixia at Vina na ‘di ko dapat bulukin ang byuti ko sa pangangalakal ng basura,” pagbubuntong-hininga ni Daday. “Kahit paano ngayon, e malaking tulong sa aking pamilya ang kinikita ko sa pagda-dan-cer.” Tahimik lang na nakinig si Rox sa mga kuwento ni Daday. Wala siyang masabi sa kababatang dalagita dahil wala naman siyang karapatan na pigilan sa pinasok na hanapbuhay.

“Marami sa mga kalalakihang kostumer ng club ang alam kong naglalaway sa akin habang nagsasayaw ako sa entablado. ‘Yung mga nagteteybol sa akin ay gusto nga ako mailabas… Pero no way!” pagmamalaki nito.

Napansin ni Rox na malakas nang uminom ng alak si Daday. Hindi pa tinatablan gayong malagihay na siya nang halos napapangalahati na nilang dalawa ang laman ng long neck na alak.

“Du’n sa club, puro bolero ang lalaking nakakateybol ko… May nagsasabi pa nga sa akin ng ‘I love you’ pero katawan ko lang naman talaga ang gustong matikman,” tawa ni Daday. “Manigas sila!” (Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

 

 

It’s Joke Time

Bong-bong and Noy-noy

BONGBONG: Can we talk?

NOYNOY: Who you?

BONGBONG: Kapal mo! You deleted my number na?

NOYNOY: Kupal ka pala e. Sino ka ba?

BONGBONG: Gago! Senator BONGBONG here.

NOYNOY: Tae ka! Why would I have your number?

BONGBONG: Di ka ba talaga pwedeng makausap nang matino?

NOYNOY: Di tayo close, you know that!

BONGBONG: Ulol! Ee have a lot of things in common, tandaan mo ‘yan.

NOYNOY: Magkaiba tayo.

BONGBONG: ‘Di a! pangalan pa lang natin, pareho na! Bong-Bong! Noy-Noynoy!

NOYNOY: Tanga! anong pareho dun!? magkaiba ‘yon. Ferdinand ka, Benigno ako.

BONGBONG: See? Kapangalan pa natin ang ating mga ama.

NOYNOY: Bobo! Junior ka, the third ako. malaki ang difference no’n.

BONGBONG: Pati sa mga kapatid natin, may similarity tayo. ‘yong panganay naming si ate IMEE saksakan nang ‘tigas ng ulo noong dalaga. Kapag nagustuhan ang lalaki, nagrerebelde.

NOYNOY: Sira! Hindi ganoon ang panganay naming si Ate Ballsy.

BONGBONG: Ha-ha-ha! sinong may sa-bing si ballsy ang tinutukoy ko?

NOYNOY: Huwag mong idamay si viel, tahimik ‘yon. (Sundan)

 

 

Watching stars

and sudden kiss

Hello Señor H,

Im Chito fr. muntinlupa, s dream ko ay pnagmamasdan ko mga star and then bgla may nag-kiss sa akin, ano kya meaning nito sir, thank you so mch en mor power to u..pls dnt post my cp

To Chito,

Ang bituin sa iyong panaginip ay sumasagisag sa success, sa iyong aspirations at ng iyong high ideals. Ito ay nagsasaad na may ilang desisyon ka na pinauubaya mo sa kapalaran at sa suwerte imbes na manggaling ito sa iyo mismo. Alternatively, ang mga bituin ay maaaring may kaugnayan sa iyong hangarin na maging tanyag at mayaman. Maaari rin namang ang kahulugan ng panaginip mo ay bilang paalala na ang mga hinahangad at minimithi mo sa buhay ay nagkakaroon na ng porma at mas maiintindihan mo na ang magiging kahihinatnan nito sa hinaharap.

Ang panaginip naman ukol sa halik ay may kinalaman sa love, affection, tranquility, harmony, at contentment. Maaari rin na ikaw ay naghahanap ng bagong pagmamahal o ng taong kakalinga sa iyo, lalo na kung ikaw ay loveless sa kasalukuyan, kaya naging ganito ang panaginip mo.

Panatilihing positibo ang pananaw sa buhay at laging huwag mawawalan ng pag-asa. Manalig sa sariling kakayahan at sa kapangyarihan ng Diyos. Goodluck sa iyo and God bless.

Señor H.

 

 

Ang Zodiac Mo

Aries (April 18-May 13) Hindi ito ang tamang panahon para maupo na lamang at hintaying mangyari ang mga bagay.

Taurus (May 13-June 21) Mapapansin mong ang ilang mga bagay ay hindi katulad ng iyong inaasahan.

Gemini (June 21-July 20) Ang iyong kapareha – sa negosyo, pag-ibig o iba pang bahagi ng iyong buhay – ang nakauubos ng iyong oras.

Cancer (July 20-Aug. 10) Unang tugunan ang iyong sariling pangangailangan – kundi’y hindi mo na ito maisasagawa pa.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Magagalit ka sa mga taong makikitid ang utak ngayon – maaaring isa sa kanila ang iyong makasagutan.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Harapin ang hamon ngayon. Kailangan mong maniwala sa iyong sariling kakayahan.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Galugarin ang iyong bagong teritoryo ngayon – sa online man, sa labas ng iyong mundo, o sa gitna ng intimate relationship.

Scorpio (Nov. 23-29) Magtiwala sa iyong kutob ngayon – may sinasabi itong kakaibang bagay.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Magiging masaya ka ngayon – ibahagi ang nararamdamang ito sa iba.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Makatutulong ang iyong disiplina ngayon para lalong makapag-focus.

Aquarius (Feb. 16-March 11) May maiisip kang bagong paraan upang magamit ang iyong mga talento at enerhiya ngayon.

Pisces (March 11-April 18) May iringan kayo ng iyong boss – o isang tao na responsable sa iyong kinakaharap na proyekto.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hindi maniniwala ang iyong mga kasama sa iyong mga suhestyon. Maaaring hayaan mo na lamang na pumalpak ang inyong proyekto.

 

ni Lady Dee

 

 

 

 

Magandang dulot

ng paghihiwalay

ANG kasiyahan ng magkapareha ay hindi lamang napapako sa palagiang pagsasama. Darating din sa puntong kayo ay maghihiwalay kahit panandalian (o maaaring pangmatagalan).

Ano nga ba ang epekto ng paghihiwalay? Kung ito ay panandalian, magdudulot ba ito ng lamat sa inyong pagsasama? Kung ito naman ay matagal, hahantong ba ito sa hindi pagbabalikan?

Sa katunayan, ang paghihiwalay ay mayroon din adbentahe. Mayroong kasabihan na ang muling pagsasama mula sa isang panandaliang paghihiwalay ay kadalasang mas higit pa sa bagong kasal. Dahil dito, maaari ninyong mapabuti ang pagpapadama ng romansa sa isa’t isa. Kung ang magkapareha ay paminsan-minsang hindi magkasama, maaalala nila ang kahalagahan ng panahong sila ay magkasama.

Kung aalis si misis upang bisitahin ang kanyang pamilya, makararamdam si mister ng kalayaan sa ilang mga araw. Ngunit, darating din talaga sa pagkakataong mararamdaman ni mister na hindi kompleto ang kanyang araw kung wala ang mga bagay na ginagawa sa kanya ni misis.

Sa isang banda, ang matagal na paghihiwalay (o ilang taon paghihiwalay) ay pumapatay ng isang relasyon. Natural na sa tao ang balewalain ang mga bagay na kanyang tinataglay. Dahil dito, nawawalan ng sense of gratitude ang isang tao. Ito ay kalimitang nagaganap sa mag-asawa o magkaparehang matagal nang nagsasama. Dahil mataas na ang sense of familiarity, nawawala na rin ang excitement na makita ang isa’t isa sa paglipas ng panahon. Sa puntong ito, nararapat lang na pahalagahan ng magkapareha ang mutual support na makukuha sa mga ordinaryo na nilang nakikita at nakakamtan.

 

 

ANG kasiyahan ng magkapareha ay hindi lamang napapako sa palagiang pagsasama. Darating din sa puntong kayo ay maghihiwalay kahit panandalian (o maaaring pangmatagalan).

 

 

 

Aso tinuruan maging

tagakuha ng beer

TINURUAN ng isang lalaki ang kanyang aso na maging tagakuha ng malamig na beer mula sa fridge sa pamamagitan ng pagbigkas ng katagang: “I’m parched.”

Sinanay ni Josh Ace ang kanyang Australian cattle dog sa pagtungo sa fridge, pagbukas sa pinto nito, at pagkuha ng beer sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin.

Makaraan makakuha ng beer, isinasara ng asong si Bandit ang pinto ng fridge upang matiyak na mananatiling malamig ang iba pang beer supply ni Josh bago ihatid ang isang bote sa kanyang amo.

Ang video nito ay ini-upload sa YouTube at ngayon ay umabot na sa 50,000 hits, at dumarami ang comments mula sa mga tao.

(ORANGE QUIRKY NEWS)

 

 

 

TINURUAN ni Josh Ace ang kanyang Australian cattle dog sa pagtungo sa fridge, pagbukas sa pinto nito, at pagkuha ng beer sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin.

(ORANGE QUIRKY NEWS)

 

 

 

Alak pinasasarap ng sound waves

KUNG inspirado sa produktong nakita sa online shopping, tiyak na magpapadala ng pera para bilhin ito. Ngayon, subukan ang latest na imbensyon para sumarap ang iniinom na alak—ang sonic decanter.

Ang claim: Sa tulong ng 15 o 20 minuto ultrasonic session, ang kasangkapang ito ay mapapasarap ang lasa ng alinman alak (wine) na inyong iinumin habang naghahapunan. Gamit ang iOS o Android app, maaaring i-adjust ang timing at ma-monitor din kung gaano karami ang nakonsumo sa pamamagitan ng pag-scan sa bar code.

Ang presyo: US$250.

Ang status: Sa nakaraan, ang sonic decanter ay nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa US$12,000.

Sa kasalukuyan: Wala pa sa merkado ang bagong Sonic Decanter app hanggang buwan ng Mayo sa susunod na taon, ngunit puwede nang masubukan kung ito ay epektibo bilang aktuwal na kasangkapang pambahay.

May timbang lamang na apat (4) na libra at mataas nang bahagya sa pangkaraniwang botelya ng vino.

Ang naimbentong decanter, o bucket, ay kayang mag-generate ng ultrasonic energy na hugis ay mga sound wave sa frequency na hindi made-detect ng ating pandinig. Ang teknolohiyang ginamit dito ay ginagamit na sa maraming bagay, pero nang ini-apply sa alak ng co-founder Coyne na si Charlie Leonhardt, napag-alaman niyang pinasasarap nito ang lasa. Napatunayan din ito ni Leonhardt sa pa-mamgitan ng chemistry, na nadiskubre na ang mga foundational component ng wine ay nagta-transform kapag na-expose sa ultrasonic energy.

Halimbawa, karamihan ng mga alak mula sa Western Hemisphere ay tinimpla na mayroong sulfur dioxide para manatiling fresh sa botelya hanggang maaari. Pero kapag nabasag na ang mga molecule, mas sumasarap ang wine para sa pangkaraniwang manginginom.

 

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *