Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, mami-miss ang tawa ni Coco

ni Rommel Placente

110514 kim chiu coco martin

NAGTAPOS na ang top-rating drama series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu. Aminado si Kim na may lungkot siyang naramdaman nang magtapos ang kanilang serye.

“Nakakalungkot din kasi mag-iisang taon kaming magkakasama sa ‘Ikaw Lamang’, tapos nagkahiwala-hiwalay na kami. Mami-miss namin ‘yung bonding. At saka sa ‘Ikaw Lamang’, ang dami kong nakatrabahong artista, 34 kaming lahat. Sobrang honored ako na nakatrabaho ko silang lahat sa isang show,” sabi ni Kim nang makausap namin ito.

Ano ang mami-miss niya sa bonding nila ni Coco?

“Siguro ang mami-miss ko kay Coco ‘ yung kapag nag-umpisa na siyang tumawa, hindi siya titigil sa loob ng 10 minuto. Tawa lang siya ng tawa. Kami rin sa set, tawa na rin kami ng tawa. Ayun, sobrang nakatutuwa siya,” ang natatawang sagot ni Kim.

Kamakailan ay naging kontrobersiyal si Coco dahil sa ginawa niyang pagrama sa Bench Fashion Show na may hila-hila siya ritong isang modelong babae na nakakadena. Hindi ‘yun nagustuhan ng ibang tao. Ginawa raw parang isang aso ‘yung modelo. Pati na ang Gabriela, ang grupong nagmamalasakit sa mga kababaihan ay nag-react din tungkol dito.

Paano niya ipinakita ang pagsuporta sa leading man sa Ikaw Lamang?

“Lahat kami nag-uusap, parang wala naman siyang kasalanan. Artista kami, siyempre gagawin namin kung ano ang ipinagagawa sa amin.

“Kami gagawin namin ang ipinagawa ninyo kasi ‘yun ang program ninyo. Hindi namin alam na iba ang makikita ng Gabriela. Iba pala ang tingin nila. ‘Yung model nga, ayos naman sa kanya.

“Sa amin bilang artista, sa ikagaganda ng show, gagawin namin. Ganoon ‘yung tema ng show, animalistic.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …