MARAMI ang natutuwa at unti-unti na namang aktibo si JM De Guzman. Bukod sa teleseryeng Hawak Kamay na pinupuri ang ganda at galing ng karakter na ginagampanan niya, mapapanood din siya sa That Thing Called Tadhana with Angelica Panganiban.
Ang That Thing Called Tadhana ay isang romantic movie na isa sa 10 pelikulang kasama sa2014 Cinema One Originals Film Festival na gaganapin mula Nobyembre 8-9 sa Trinoma, Glorietta, Fairview Terraces, at Greenhills Dolby Atmos Theater.
Ani JM, ngayon lang muli siya gumawa ng isang major role. ”Hindi po ito isang love story, this is a story about life.” And after this movie, may isa pang gagawing teleserye si JM subalit ayaw pa niyang sabihin kung ano iyon hangga’t hindi pa raw sila nagsisimulang mag-taping.
Samantala, okey lang daw kay JM kung gumanap siyang isang adik. ”Oo naman, bakit hindi.
“Pero tapos na ako sa stage na pagtanggap sa nangyari sa akin. Sa recovery na pinagdaanan ko tapos na ako. Sa akin, makabubuti (pagganap na adik) na ‘yun dahil ‘yun ang pinagdaanan ko sa totoong buhay.”
Aminado naman si JM na pinanghinayangan niya ang pagkawala o pagpapahinga sa showbiz.”Hindi ko maiwasan minsan na magsisi pero hindi naman ‘yun nakatutulong kaya parang tinitingnan ko na lang ang positive na nangyari at ‘di na mag-focus sa negative. Iniiwasan ko na ‘yung ganoon,” giit pa ni JM.
Sa kabilang banda, nagdiriwang ngayon ng ikasampung anibersaryo ang Cinema One Originals na ang tema ngayon ay Intense na binubuo ng full-length digital movies, short films, restored Pinoy classics at bagong obra ng mga sikat na direktor na nasa lineup ng C1 Originals Film Festival.
“Talagang bigger, bolder, at better ang festival ngayon,” ani Cinema One Originals Channel Head Ronald Arguelles. ”Kaya’t tinawag namin itong ‘intense.’”
Highlight ng festival ang pagpapalabas ng 10 digital films na napili mula sa mga napakaraming script submissions. Ang mga ito ay Di Sila Tatanda ni Malay Javier; Seoul Mates ni Nash Ang; Red ni Jay Abello; Violator ni Eduardo Dayao; Soap Operani Remton Slega Zuasola; Lorna ni Sigrid Andrea Bernardo; Bitukang Manok ni Alec Figuracion; Abel/Cain (Esprit de Corps) ni Kanakan Balintagos; That Thing Called Tadhana ni Antoinette Jadaone; at The Babysitters ni Paolo O’Hara.
Pawang malalaking artista naman ang mga magsisiganap sa mga ito. Ang ilan sa kanila ay sina Jericho Rosales, Angelica, JM, Angel Aquino, Lovi Poe, Rocco Nacino, at marami pang iba.
Mga makabuluhang obra naman mula sa Asya ang tampok sa Best of Asian Cinemasection. Kabilang dito ang Winter Sleep ni Nuri Blige Ceylan mula sa Turkey na nanalo ng Palme D’Or (grand prize) sa 2014 Cannes International Film Festival. Mayroon pang dalawang pelikula mula sa China—ang Black Coal, Thin Ice ni direktorDiao Zinan, winner ng Golden Bear Award sa 2014 Berlin International Film Festival, at ang historical love story na Coming Home ni Zhang Yimou na nag-premiere sa Cannes International Film Festival 2014.
Mga bago at ‘di pa nakikitang gawa ng indie filmmakers gaya nina Joel Ruiz, Adolf Alix Jr., Pam Miras, at Eliza Esquivel ang kasali sa C1 Originals Short Film program.
Muling masasaksihan sa Restored Classics section ang Hindi Nahahati ang Langit ni direktor Mike de Leon. Pinagbibidahan nina Christopher de Leon at Lorna Tolentino, ito’y isang melodrama na ipinalabas noong 1985 na base sa komiks niNerissa Cabral. Binigyang buhay muli ng ABS-CBN at Central Digital Lab ang nasabing pelikula.
ni Maricris Valdez Nicasio