ni Alex Brosas
ACCORDING to KC Concepcion, pumayat na ang kanyang Megastar mom Sharon Cuneta.
Excited na ibinalita ni KC sa kanyang followers on Twitter na 30 pounds na ang nawala sa kanyang ina. Sinabi nitong effective ang ginawang pagpapapayat ng kanyang ina pero hindi naman daw nito ginutom ang sarili.
Well, maraming Sharonians ang matutuwa niyan talaga.
Ang tanong lang, ilan pang pounds ang kailangang ibawas ni Sharon para talaga masabing pumayat na siya? Masyadong maliit para sa kanya ang 30 pounds, ha.
Mukha talagang pinaghahandaan ni Sharon ang pagbabalik sa showbiz. Dapat lang, ‘no. isa pa, dapat matututo na siyang tumanggap ng katotohahanan na lipas na ang panahon niya, na hindi na siya pang love team. Forget about the movie with Gabby Concepcion. Magpakaaktres ka na lang kasi, Sharon.