ANG kasiyahan ng magkapareha ay hindi lamang napapako sa palagiang pagsasama. Darating din sa puntong kayo ay maghihiwalay kahit panandalian (o maaaring pangmatagalan).
ANG kasiyahan ng magkapareha ay hindi lamang napapako sa palagiang pagsasama. Darating din sa puntong kayo ay maghihiwalay kahit panandalian (o maaaring pangmatagalan).
Ano nga ba ang epekto ng paghihiwalay? Kung ito ay panandalian, magdudulot ba ito ng lamat sa inyong pagsasama? Kung ito naman ay matagal, hahantong ba ito sa hindi pagbabalikan?
Sa katunayan, ang paghihiwalay ay mayroon din adbentahe. Mayroong kasabihan na ang muling pagsasama mula sa isang panandaliang paghihiwalay ay kadalasang mas higit pa sa bagong kasal. Dahil dito, maaari ninyong mapabuti ang pagpapadama ng romansa sa isa’t isa. Kung ang magkapareha ay paminsan-minsang hindi magkasama, maaalala nila ang kahalagahan ng panahong sila ay magkasama.
Kung aalis si misis upang bisitahin ang kanyang pamilya, makararamdam si mister ng kalayaan sa ilang mga araw. Ngunit, darating din talaga sa pagkakataong mararamdaman ni mister na hindi kompleto ang kanyang araw kung wala ang mga bagay na ginagawa sa kanya ni misis.
Sa isang banda, ang matagal na paghihiwalay (o ilang taon paghihiwalay) ay pumapatay ng isang relasyon. Natural na sa tao ang balewalain ang mga bagay na kanyang tinataglay. Dahil dito, nawawalan ng sense of gratitude ang isang tao. Ito ay kalimitang nagaganap sa mag-asawa o magkaparehang matagal nang nagsasama. Dahil mataas na ang sense of familiarity, nawawala na rin ang excitement na makita ang isa’t isa sa paglipas ng panahon. Sa puntong ito, nararapat lang na pahalagahan ng magkapareha ang mutual support na makukuha sa mga ordinaryo na nilang nakikita at nakakamtan.