Friday , November 15 2024

‘Eye patch’ justice sa SC kinondena

110514 ERAP FUNAGSAGAWA ng noise barrage ang grupong Koa-lision ng Kabataan Kontra Korapsyon (KKKK) o 4K sa harap ng Korte Suprema.

Ito ay para kalampagin ang mabagal na desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case laban sa napatalsik at convicted plunderer Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Ka Andoy Crispino, Secretary Gene-ral ng KKKK, napakahalaga sa kanilang kabataan ang pagpapasya ng Korte Suprema sa kaso ni Estrada.

“Tinitingala naming mga kabataan ang Korte Suprema, ilan sa amin ay nag-aaral pa ng pagka-abogado, maging mabuting halimbawa sana sila na walang kinikilingan o binibigyang pabor ang Korte Suprema. Dapat na silang magdesis-yon sa kaso ni Erap kung talagang hindi sila nababayaran o nadidiktahan,” pag-hahamon ni Ka Andoy.

Dagdag ni Ka Andoy, ang protesta ng grupo ay tinawag nilang “eye patch justice” bilang simbolo na ang batas ay may piring ang isang mata habang ang isang mata naman ay nagbibigay pabor sa mga ma-impluwensya at makapangyarihang tao sa lipunan. Taliwas din ito sa simbolo ng hustisya ng bansa na may piring ang dalawang mata habang may hawak na timbagan.

Lumusob ang nasabing grupo sa Korte Suprema na may eye patch ang isang mata at may takip ang bibig at nakasuot ng itim bilang pagpapakita umano ng kanilang pagtutol sa mabagal na pagdedesisyon ng Kor-te Suprema sa disqualification case na isinampa laban kay Erap.

Naniniwala ang grupo na dapat din patawan ang Justices ng Korte Suprema ng multang P100, 000 dahil tila tinutulugan ng Kataas-taasang Hukuman ang disqualification case ni Estrada.

“Noong 2013 pa, bago mag-eleksyon nang isampa ang kaso, pero bakit kaya matatapos na ang 2014, e hindi pa rin sila nagdede-sisyon? Nakapagtataka rin na nauna pa nilang madesisyonan ang mga isyu na pwedeng gamitin sa politika gaya ng Disbursement Acceleration Program o DAP at Priority Development Assistance Fund o PDAF. Pero bakit ang pagbibigay linaw sa mga taga-Maynilam, tila tinutulugan lang nila?” saad ni Ka Andoy.

Hinamon ng KKKK si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na patunayan na tutol siya sa “Justice delayed, Justice denied!” sa pamamagitan ng agarang pagpapasya sa kaso ni Erap na naisampa sa kanila dalawang taon na ang nakalipas.

“Karapatan ng mga taga-Maynila na malaman na ang Mayor na nakaupo ngayon na si Erap ay walang dudang sinusuporta-han ng batas para maging alkalde ng Lungsod,” giit ni Ka Andoy.

Matatandaang sinam-pahan ni Atty. Alice Vidal ng disqualification case si Estrada, dahil naniniwala ang abogado na hindi na maaaring tumakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno si Estrada matapos si-yang mahatulan ng Korte ng habambuhay na pagkakabilanggo sa kasong pandarambong.

Bukod pa rito, ang kahalintulad at kasabay na kaso ni Estrada na disqua-lification case ni convicted rapist ex-Congressman Romeo Jalosjos ay napag-desisyonan na ng Korte noong nakalipas na taon pa. Dahil sa convicted na rapist napagpasyahan ng Supreme Court na huwag payagan na tumakbo bilang Mayor ng Zamboaga City si Jalosjos.

“Those sentenced to final judgment for an offense involving moral turpitude or for an offense punishable by one or more of imprisonment within two years after serving sentence are disqualified,” paliwanag ng Korte Suprema ukol dito.

Iginiit ng Korte na isinasaad sa Article 41 ng Revised Penal Code (RPC), “The accessory penalty of disqualification remains even though one is pardoned as to the principal penalty unless the accessory penalty shall have been so expressly remitted in the pardon.”

Naniniwala ang gru-pong KKKK, “kung nanaisin ni Chief Justice Sereno, magagawa nilang iregalo sa mga taga-Maynila sa Pasko ang pagbibi-gay linaw sa usapin.”

Bong Son

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *