Monday , November 18 2024

Economy ng ‘Pinas sinabotahe ni Erap

00 Kalampag percyHINDI maikakaila ni ousted president at convicted plunderer Joseph Estrada na sinabotahe niya ang ekonomiya ng bansa nang ipatupad ang Manila truck ban mula Pebrero hanggang Setyembre 2014.

Mismong World Bank ay tinukoy ang Manila truck ban bilang sa-larin sa pagkupas ng kompiyansa ng mga negosyante na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Sa inilabas na World Bank’s “Doing Business 2015: Going Beyond Efficiency” report, mula sa 86 ay bumagsak sa 95 ang ranggo ng Pilipinas kaya delikadong pagtayuan ng negos-yo para sa business investors.

Base sa National Economic and Development Authority (NEDA), umabot sa P70 bilyon ang nawala sa ating ekonomiya dahil sa Manila truck ban, hindi pa kasama rito ang P2.4 bilyong nalagas dahil sa impiyernong trapik.

Maraming nagduda na may sabwatan talaga sina Erap at Vice President Jejomar Binay sa Manila truck ban para ibagsak si PNoy.

Kaya raw tahimik si Vice President Jejomar Binay sa perhuwisyong idinulot sa bansa ng kaalyado niyang mandarambong.

Kapwa nagmamadali silang maluklok sa Palasyo, sino man sa kanila ni Binay, upang mapalaya si Sen. Jinggoy.

Pero hindi nagtagumpay ang maitim nilang balak kahit pinondohan pa ng daang milyones ang mga kilos-protesta laban sa PDAF at DAP, kasabay ng implementasyon ng Manila truck ban.

Akala ng mga hindoropot, magkakaroon ng people power kapag nagalit ang mamamayan sa perhuwisyong trapiko, mataas na presyo at kapos na supply ng mga pangunahing bilhin dahil sa Manila truck ban.

Masyado nilang minaliit ang kapangyarihan ni PNoy na gumamit ng “emergency powers” para ipatigil ang kanilang pananabotahe, kaya nang iniumang ito’y biglang binawi ni Erap ang Manila truck ban.

Ngayong ipinaiiral ang “rule of law” kontra-korupsiyon at pabor ang publiko na  binabalatan na ng Senado ang mga anomalya  na kinasangkutan ni Binay sa Makati City at nabubuko na ang kanyang ill-gotten wealth, ibig sabihin mas pabor pa rin ang sambayanang Filipino kay PNoy.

Inaabangan na rin ng bayan na maipatupad ang batas na nagtatadhana na ang sentensiyadong kriminal, tulad ni Erap, ay habambuhay na diskuwalipikadong kumandidato at humawak ng anomang puwesto sa gobyerno.

Alam na siguro nina Erap at Binay na ang mga nakatira sa lata ng sardinas ay hindi dapat mambalibag ng abre-lata.

 

PIERCING SHOTS …

ERAP AT BINAY PARANG KAMBAL NA BUWAYA – Tama naman si Erap na ikompara ang sarili kay Binay at sabihing magkapareho sila sa maraming bagay.

Kung tutuusin, para nga silang kambal na buwaya at pinagbiyak na inodoro, lalo sa pandarambong!

***

PNOY: BINAY MALAYANG MAGBITIW – Wala naman palang pumipigil kay Binay na mag-resign sa gabinete kung hindi niya kursunada ang “tuwid na daan,” sabi ni PNoy.

Abnormal si Binay kung ‘di niya alam ang salitang “delicadeza!”

***

“HACIENDA BINAY”, LABAG SA CARP – Tahimik ang mga militanteng grupo sa lantarang paglabag sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng 350 ektaryang “Hacienda Binay”, pero sa Hacienda Luisita ng mga Cojuangco ay todo ang pagbatikos nila.

Mahirap daw sumigaw kapag puno ang bibig!

***

TIU, TAKOT KAY BINAY – Noon pang 2001 ay nabigo na si Commissioner Heidi Mendoza na kombinsihin si Antonio Tiu na tumestigo laban kay Binay bilang supplier ng overpriced beds at hospital equipment sa Ospital ng Makati na inimbestigahan ng COA dahil takot siyang lumaki nang walang ama ang bagong silang ni-yang anak at baka hindi na rin siya makakuha ng kontrata sa Makati City.

Noon pa pala alam ni Tiu na mabubulok silang dalawa ni Binay sa kulungan kapag naha-tulan sa kasong plunder!

***

DEAN NG SAN BEDA AYAW MAGING ANTI-BINAY – Hindi raw sasali sa aniya’y anti-Binay bandwagon si San Beda professor Fr. Ranhilio Aquino dahil ang mga akusasyon ng katiwalian laban sa VP ay naganap bago naging Bise-Presidente.

Delikadong propesor si Father dahil mali pala ang kanyang turo sa mga estudyante!

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *