Dapat isabay sa isinasagawang imbestigayon ng Senate Blue Ribbon Committee ang anomalyang kinasasangkutan ni Senate President Fraklin Drilon hinggil sa pagkamahal-mahal na Iloilo Convention Center.
Ito ang marapat patunayan ng nasabing komite partikular na sina Senador TG Guingona, Alan Cayetano, Antonio Trillanes at Coco Pimentel sa madla dahil kapag tinulugan lamang nila ang kasong plunder ni Drilon na kahalintulad din ng Makati Parking Building ay magiging makatotohanan ang sinasabing kangaroo court ni Vice Pres. Jojo Binay.
Kredibilidad at sinseridad ng Senado ang nakataya sa isyung Drilon dahil kailangan nilang patunayan sa bayan na hindi in aid of political persecution lamang ang ginagawa nila kay Binay.
Sa isinam-pang reklamo ni Manuel Mejorada, Jr., dating provincial administrator ng Iloilo, sa Ombudsman, pinatu-nayan na kasabwat si Drilon sa overpring ng ICC na pinondohan ng PDAP at DAP.
Malinaw sa reklamo ng dating Iloilo official na umabot sa P488 milyon ang dagdag na pres-yo ng ICC na isinabit din niya sina DPWH Sec. Rogelio Singson at Tourism Sec . Ramon Jime-nez.
Dito dapat nilang ipakita na wala silang kinikilingan maging kanilang kaalyado at kalaban kaya’t nanawagan tayo sa Anti-Money Laundering Council (AMLA) at COA na simulan na rin ang pag-iimbestiga at pagbubulgar ng anomalya ni Drilon.
Taong bayan ang huhusga sa administras-yong PNoy kaya’t dapat magpakatotoo ang mga kapanalig ni Aquino dahil alam naman ng tao kung ano ang kanilang pinaggagawa lalo na kung ka-kampi nila ang nagkakasala.
***
Umabot na sa P10 bilyon mahigit ang unliquidated cash advances ng mga tauhan ni PNoy.
Ito ang dapat atupagin ngayon ng Pangulo dahil mga tapat niyang kaalyado na may hawak na malalaking departamento sa pamahalaan ang nasasangkot dito.
Sa ulat ng COA, umabot sa P10.4 bilyon ang unliquidated cash advances ng mga departamentong pinangangasiwaan nina Kalihim Mar Roxas ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Dinky Soliman ng DSWD, Leila de Lima ng DoJ at Proceso Alcala ng Agriculture.
Pera ng mamamayan ang pinag-uusapan dito kaya’t dapat itong ipaliwanag sa tao dahil wala na rin bilib ang madla sa daang matuwid ng Pa-ngulo.
Alvin Feliciano