Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Demoniño (Ika-27 labas)

00 demoniño

AYAW TANTANAN NG DIYABLO SI EDNA HANGGANG SA KANYANG PAG-UWI AY MAY PAGTATANGKA SA GURO

 

“M-may namamahay na diyablo sa bahay na ‘to?” bulalas ng nahintakutang si Fatima.

“A-at ‘yun ang sumapi sa akin kanina?” katal-labing naitanong ni Manang.

“Ganu’n nga po…” tango ng dalagang guro.

Panabay na nagkrus sa dibdib ang magtiyahin sa pagbigkas ng “Hesusmar-yosep.”

Sinabihan ni Edna ang kusinera at ang kasambahay na pamangkin nito na ang mabisang panlaban sa mga kampon ng kadiliman ay ang matibay na pananampa-lataya sa Diyos at kay Jesus.

“Kaya ‘di kayo dapat makalimot na manalangin araw-araw…” paalala pa rin niya.

Matapos likumin ni Edna ang kanyang mga gamit sa mesa ng study room ng batang lalaking tinuturuan ay nagpaalam na siya sa magtiyahin.

“Pakisabi kay Ma’am Shane na babalik na lang ako bukas,” aniya kay Fatima.

“A-ano po ang ikakatuwiran ko sa pagkapunit ng tseke mo?” tanong ng nababahalang yaya-kasambahay.

“Ah, sabihin mong nabasa nang matabig ko ang puswelo ng aking kape,” pagtuturo ng dalagang guro kay Fatima ng kapani-paniwalang alibi.

Lumalabas pa lamang si Edna sa bahay ng mag-asawang Karl at Shane ay sinalubong na siya ng nakapangingilabot na alulong ng dalawang Algerian na nakakulong sa hawla. At habang humahakbang siyang palabas ng gate ng pinagmulang tirahan ay lalong palakas nang palakas ang alulungan ng mga aso. Hindi niya gaanong pinag-ukulan ng pansin iyon. Pero sa likod ng kanyang utak ay naroroon ang ‘di niya maunawaang ibig ipahiwatig ng tila panaghoy na alulong.

Sumakay siya sa isang traysikel. Sinabihan niya ang tricycle driver na ihatid siya sa sakayan ng mga pampasaherong dyip. Mag-aala-siyete pa lamang ng gabi noon pero parang kaydilim-dilim na sa buong paligid ng kalyeng dinaraanan nila. Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe nang pumugak-pugak ang motor ng traysikel. Krug, krug, kruuug! At bigla itong tumigil sa pagtakbo. Kasunod niyon ang malakas na hiyaw ng tricycle driver ng “inangkupuuu!”

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …