TINURUAN ni Josh Ace ang kanyang Australian cattle dog sa pagtungo sa fridge, pagbukas sa pinto nito, at pagkuha ng beer sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin (ORANGE QUIRKY NEWS)
TINURUAN ng isang lalaki ang kanyang aso na maging tagakuha ng malamig na beer mula sa fridge sa pamamagitan ng pagbigkas ng katagang: “I’m parched.”
Sinanay ni Josh Ace ang kanyang Australian cattle dog sa pagtungo sa fridge, pagbukas sa pinto nito, at pagkuha ng beer sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin.
Makaraan makakuha ng beer, isinasara ng asong si Bandit ang pinto ng fridge upang matiyak na mananatiling malamig ang iba pang beer supply ni Josh bago ihatid ang isang bote sa kanyang amo.
Ang video nito ay ini-upload sa YouTube at ngayon ay umabot na sa 50,000 hits, at dumarami ang comments mula sa mga tao.
(ORANGE QUIRKY NEWS)