Kinalap ni Tracy Cabrera
KUNG inspirado sa produktong nakita sa online shopping, tiyak na magpapadala ng pera para bilhin ito. Ngayon, subukan ang latest na imbensyon para sumarap ang iniinom na alak—ang sonic decanter.
Ang claim: Sa tulong ng 15 o 20 minuto ultrasonic session, ang kasangkapang ito ay mapapasarap ang lasa ng alinman alak (wine) na inyong iinumin habang naghahapunan. Gamit ang iOS o Android app, maaaring i-adjust ang timing at ma-monitor din kung gaano karami ang nakonsumo sa pamamagitan ng pag-scan sa bar code.
Ang presyo: US$250.
Ang status: Sa nakaraan, ang sonic decanter ay nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa US$12,000.
Sa kasalukuyan: Wala pa sa merkado ang bagong Sonic Decanter app hanggang buwan ng Mayo sa susunod na taon, ngunit puwede nang masubukan kung ito ay epektibo bilang aktuwal na kasangkapang pambahay.
May timbang lamang na apat (4) na libra at mataas nang bahagya sa pangkaraniwang botelya ng vino.
Ang naimbentong decanter, o bucket, ay kayang mag-generate ng ultrasonic energy na hugis ay mga sound wave sa frequency na hindi made-detect ng ating pandinig. Ang teknolohiyang ginamit dito ay ginagamit na sa maraming bagay, pero nang ini-apply sa alak ng co-founder Coyne na si Charlie Leonhardt, napag-alaman niyang pinasasarap nito ang lasa. Napatunayan din ito ni Leonhardt sa pa-mamgitan ng chemistry, na nadiskubre na ang mga foundational component ng wine ay nagta-transform kapag na-expose sa ultrasonic energy.
Halimbawa, karamihan ng mga alak mula sa Western Hemisphere ay tinimpla na mayroong sulfur dioxide para manatiling fresh sa botelya hanggang maaari. Pero kapag nabasag na ang mga molecule, mas sumasarap ang wine para sa pangkaraniwang manginginom.