Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tondo ex-chairman, bata todas sa ambush (1 pa kritikal)

110414 parolaPATAY ang isang 65-anyos dating chairman at 9-anyos batang babae habang kritikal ang isa pang biktima na na-damay sa insidente makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Agad binawian ng buhay si Ely Saluib ng Gate 17, Parola Compound, tinamaan ng anim bala ng baril sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Habang nalagutan ng hininga sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Aki-sha Surigao, 9, ng Area C, Parola Compound, at nilalapatan ng lunas ang ama niyang si En-gie Surigao, 39, sa nabangit na pagamutan sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 12:15 p.m. sa nabanggit na lugar.

Lulan ng motorsiklo si Saluib nang biglang pa-putukan ng dalawang lalaking nakaabang sa kanya.

Bagama’t sugatan, dumiretso ang biktima sa Gate 17 ngunit sinundan siya ng mga suspek at muling pinagbabaril na naging dahilan upang tamaan din ng bala ang mag-ama na lulan ng tricycle.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …