HINDI na hinintay ng 50-anyos lalaki na mahatulan sa kasong rape kaya nagbigti sa loob ng kanyang selda kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Isinugod sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jovito Hugo, ng 15 Tagumpay St., Brgy. 147, Bagong Barrio ng nasabing lungsod ngunit hindi na umabot nang buhay.
Batay sa ulat ni SPO1 Marlon Adriano, dakong 3:30 a.m. nang matagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng selda ng Police Community Precint (PCP-1).
Napag-alaman, ina-resto ang biktima dahil sa kasong panggagahasa sa kanyang stepdaughter at nakatakdang dalhin kahapon sa Caloocan City Prosecutors Office upang pormal na sampahan ng kasong rape.
Rommel Sales