Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, nag-sorry kay Karla (Sa hindi pag-ikot sa The Voice)

ni Roldan Castro

110414 Carla sarah g

FOR experience ang ibinigay na dahilan ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada kaya nag-blind audition siya sa The Voice of the Philippines.

Nabigo si Karla na pumasok sa nasabing talent show.

Nag-sorry pa nga raw si Sarah Geronimo nang malaman niyang si Karla pala ‘yun dahil hindi umikot ang kanyang upuan.

Ayon sa tsika, kahit si Lea ay naging pamilyar kay Karla. Sey daw niya… “I know you! I know you! What’s your name?”

Inaabangan ngayon kung ipalalabas ang pagka-nganga sa audition ni Karla sa The Voice. Si Karla ay dating recording artist ng Concorde Records noong kabataan niya.

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi na lang nakuntento si Karla kung anumang career mayroon siya ngayon? Bakit nag-ambisyon pa siya ng higit pa? Hindi naman niya kailangang maghabol ng limpak-limpak na salapi dahil sa laki ng kinikita ng anak niya. Kumbaga, super okey na ang financial status nila. Hindi naman niya kailangang maghabol ng popularity dahil dala-dala na rin sila ng kasikatan ni Daniel at nakagawa na rin siya ng sarili niyang pangalan.

How true na pati ang isang female recording artist na pang-hotel ang boses ay balitang nag-audition din. Magaling ang female singer na ito pero walang faith sa kanya ang coaches (Lea Salonga, Sarah, Apl.De.Ap, at Bamboo Mañalac) at hindi pumasa sa kanilang panlasa ang boses ng mang-aawit.

Nganga rin ang beauty niya. Sad!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …