IMPORTANSIYA ng pagmamahal ng pamilya at mga tunay na kaibigan ang patutunayan ng mga karakter nina Alex Gonzaga, Yen Santos, Joseph Marco, at Arjo Atayde sa nalalabing mga tagpo ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Pure Love na magtatapos na sa Nobyembre 14 (Biyernes).
Sa huling dalawang linggo ng serye, mas masusubok ang katatagan ni Diane (Alex) ngayong malapit nang maubos ang panahon na ibinigay sa kanya ni Scheduler (Matt Evans) para makuha ang kinakailangan niyang huling “pure love tear” upang muling mabuhay matapos ma-comatose.
Ipaglalaban pa rin ba ni Diane na makabalik sa kanyang pamilya, o tuluyan na siyang susuko? Paano kung malaman niya ang mas malalim na ugnayan nila ng sinasaniban niya na si Ysabel (Yen)?
Halaw sa hit 2011 Korean TV series na 49 Days, ang local adaptation na tinawag na Pure Love ay sumesentro gabi-gabi sa kahalagahan ng tunay na pagmamahal at ang katatagan ng relasyon ng pamilyang Filipino.
Patuloy na tuklasin ang tunay na halaga ng pagmamahal at pamilya sa huling dalawang linggo ng Pure Love, gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @PureLovePH sa Twitter, at i-”like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/purelovetheofficial.
ni Reggee Bonoan